Brunei Pormal na nilagdaan ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco at Brunei Darussalam Minister of Primary Resources at Tourism Dato Seri Setia Dr Haji Abdul Manaf bin Haji Metussin ang Memorandum of Understanding (MOU) on Tourism Cooperation na naglalayong palakasin, isulong at paunlarin ang kooperasyon ng Pilipinas at Brunei sa turismo. Ang paglagda ng kasunduan ay sinaksihan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. at ng Kanyang Kamahalan na Sultan Haji Hassanal Bolkiah Mu’izzaddin Waddaulah Ibni Al-Marhum Sultan Haji Omar ‘Ali Saifuddien Sa’adul Khairi Waddien, sa pagbisita ni Pangulong Marcos noong Martes (Mayo 28) sa Istana Nurul Iman, Brunei Darussalam.

PH, Brunei lumagda sa landmark na kasunduan para palakasin kooperasyon sa turismo

May 29, 2024 Jonjon Reyes 204 views

Brunei Darussalam — Lumagda ang Pilipinas at Brunei Darussalam sa landmark na kasunduan na magpapahusay at magtataguyod ng pagtutulungan ng dalawalang bansa sa larangan ng turismo.

Ang nasabing paglalagda ng kasunduan a isa sahighlight ng State Visit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa Brunei Darussalam.

Ang landmark na kasunduang ito, na ginawa sa pagitan ng Republika ng Pilipinas na kinakatawan ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco at Brunei Darussalam Minister of Primary Resources and Tourism Dato Seri Setia Dr Haji Abdul Manaf bin Haji Metussin ay sinaksihan ni Pangulong Marcos at ng Kanyang Kamahalan Sultan Haji Hassanal Bolkiah Mu’izzaddin Waddaulah Ibni Al-Marhum Sultan Haji Omar ‘Ali Saifuddien Sa’adul Khairi Waddien.

Kabilang sa mga pangunahing layunin ng kasunduan ang pagtaas ng mga turista sa parehong mga bansa at paghikayat ng mas malawak na pamamahagi ng mga bisita sa iba’t ibang destinasyon.

“Ang pagpapatibay sa landmark na pakikipagtulungang ito ay nangangahulugan ng isang kapana-panabik na bagong kabanata sa ating bilateral na relasyon sa kapwa makikinabang sa ating mga bansa. Nakatuon ang turismo sa pagpapa-unlad, at pagtataguyod ng kultura, tradisyon, at natural na kagandahan ng ating mga bansa. Ang kasunduang ito ay magpapayaman sa sektor ng turismo at magpapalawak ng mga oportunidad sa ekonomiya para sa ating mga mamamayan.”

“Ang komprehensibong kasunduan na ito ay nagtatakda ng yugto para sa isang dinamikong pakikipagtulungan sa pagitan ng Pilipinas at Brunei Darussalam, na nakahandang magdulot ng makabuluhang pagsulong sa turismo para sa parehong mga bansa lalo na na kinabibilangan ito ng mga pakikipagtulungan upang palawakin ang Halal at Muslim-friendly na turismo, Medical and Wellness tourism, MICE tourism , at pagtaas sa mga pamumuhunan sa turismo.

Ang pagtutulungan ay inaasahang magpapahusay sa pangkalahatang karanasan ng turista, magpapalakas ng ugnayang pang-ekonomiya, at mag-ambag sa sustainable development ng industriya ng turismo sa dalawang bansa,” ani Sec. Frasco.

Noong 2023, nakapagtala ang DOT ng 6,639 bisitang dumating mula sa Brunei Darussalam. Karamihan ay bumisita sa Pilipinas para sa maglibang o magbakasyon.

Ang huling kasunduan sa pakikipagtulungan sa turismo sa pagitan ng Pilipinas at Brunei Darussalam ay nilagdaan may 13 taon na ang nakakaraan.

Noong nakaraang taon, natanggap ng Pilipinas ang ‘Emerging Muslim-friendly Destination of the Year para sa Non-OIC (Organization of Islamic Countries) award sa Halal Travel Global Summit 2023.

Samantala, nasungkit din ng Pilipinas ang ikapitong puwesto sa Top 20 Non-OIC destinations na nakatali sa Germany at South Africa, at number 36 overall sa 138 destinations sa Global Muslim Travel Index (GMTI)..

“Ang kasunduan sa kooperasyon sa pagitan ng Republika ng Pilipinas at Brunei Darussalam ay nakahanda na maglabas ng maraming pagkakataon para sa pakikipagtulungan, pagbabahagi ng kaalaman, at pagpapalitan ng mga pinakamahusay na kasanayan sa industriya ng turismo.

Sa pamamagitan ng paggamit ng ating mga pagkakatulad at ang mga natatanging handog at lakas ng turismo ng bawat bansa, ang dalawang bansa ay naglalayon na makaakit ng mas magkakaibang hanay ng mga bisita at ipakita ang yaman ng kani-kanilang kultural, natural, at pamana na mga atraksyon,”dagdag ni Sec. Frasco.

AUTHOR PROFILE