Roxie Larawan mula sa IG/@roxieebae

Kumukulong pakulo

February 3, 2024 People's Tonight 162 views

TILA isang pain na hindi maiwasang kagatin ng mga barako ang nakakatuksong alindog ni Miss Earth Philippines 2020 at Kapuso actress na si Roxie Smith.

Sa isang Instagram post ng beauty queen-actress, pasabog ang ginawa niyang pagbabandera ng kanyang kaseksihan sa isang beach sa Cebu.

Todo-flex si Roxie sa kanyang bikini body sa ibinahaging mga larawan nang magtungo siya sa Mactan.

Suot ng Kapuso actress ang two-piece swimsuit dahilan para umangat ang mala-manika nitong kurba at kariktan. May pakulo pa si Roxie dahil naka rubber shoes siya sa beach.

Nabulabog ang mga kelot ng social media sa pagpapainit ng beauty queen sa panahong nakararamdam sila ng lamig.

“Back for more,” sey niya sa caption ng kanyang post.

Napa-react naman ang TV host na si Kuya Kim Atienza at di maka-pokus nang masilayan ang hotness ni Roxie.

“Parang di ko makita Yung rubber shoes. Bakit ganun?” hirit ng ‘TiktoClock’ sa comment section ng nasabing post.

Binaha rin ng fire emojis at pinusuan ng netizens ang pagpapaaga ng tag-init ni Roxie.

“Sexy so much naman!!”

“Grabehan! Kaya sa’yo ako tataya eh.”

“Too much hot my loves .”

“Ito lang talaga nagpapainit ngayong malamig na panahon.. super hot mo po.”

AUTHOR PROFILE