Christian

Christian pumirma sa isang talent agency sa Hollywood

May 29, 2024 Aster Amoyo 324 views

NAGKASAMA kami sa Los Angeles, California ng award-winning actor at singer na si Christian Bables nang ito’y dumalo sa kauna-unahang Manila International Film Festival na ginanap sa Chinese Theatres in Hollywood, California, USA nung January 29 – April 3, 2024 kung saan kalahok ang kanyang pinagbidahang pelikula, ang “Broken Hearts Trip” na siyang debut movie ng BMC Film Productions.

Sa bahay ng businessmen na sina Geoffrey Jimenez at Benjie Cabrera (ng BMC Film Productions) ay nakilala nito ang aming BFF, ang Filipino-American Immigration Lawyer na si Atty. Jemela Nettles at naging masinsinan ang pag-uusap ng dalawa. Si Atty. Nettles ang tumulong sa pagiging green card holder ng maraming Filipino personalities at kasama na rito ang mag-asawang Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza, Ai-Ai de las Alas to name a few.

Christian is entertaining the idea of having his documents processed sa tulong ni Atty. Nettles at kasunod na rito ang kanyang paglagda ng management contract sa dalawang talent agencies in Hollywood, California, USA sa pamamagitan ng Legacy Entertainment ng Fil-American concert producer na si Maria Damian at ng US-based agent na si George L. Baker ng ASAP Talent. The two agencies will represent Christian na matupad nito ang kanyang Hollywood dream.

Grateful ang actor-singer sa kanyang first visit in L.A. dahil marami siyang nakilalang influential people who paved the way na makilala niya sina Maria Damian at Hollywood talent agent na si George Baker maging si Atty. Nettles at iba pa.

Palibhasa’y mabait at maganda ang PR ni Christian, agad siyang nagkaroon ng maraming kaibigan in L.A.

With him signing up with Legacy Entertainment and ASAP Talent, hindi kami magtataka kung abot-kamay na lamang niya ang pagkakaroon ng mga proyekto sa Hollywood. Pero sa kabila ng kanyang paglagda ng kontrata sa Amerika, mananatili pa rin siyang talent ng KreativDen at Asia’s Artist Agency ng King of Talk na si Boy Abunda who will represent him in the Philippines.

Bukod sa pelikulang “Broken Hearts Trip” na isa sa sampung pelikulang kalahok sa 49th Metro Manila Film Festival (2023), napanood din siya sa teleseryeng “Dirty Linen” ng ABS-CBN nung nakaraang taon.

Si Christian ay nagtapos ng Mass Communications sa De la Salle University – Dasmarinas nung 2013 at pumasok naman siya ng showbiz nung 2015. A year later, ginawa niya ang pelikulang “Die Beautiful” na siyang nagbigay sa kanya ng Best Actor trophies mula sa Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikukulang Pilipino, Luna Award from Film Academy of the Philippines at sa 2023 Metro Manila Film Festival. Ito’y sinundan ng limang tropeo for his “Signal Rock” movie directed and produced by Chito Rono mula sa 6th Urduja Heritage Film Festival, Asian Pop-up Cinema (Chicago, Illinois), 5th Hanoi International Film Festival at Special Jury Award mula sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino at Best Film Debut Performer mula sa 11th Gawad Genio.

Ang isa pang award-winning movie na nagbigay ng Best Actor awards for Christian was “Big Night” mula sa 45th Metro Manila Film Festival, 5th Entertainment Editor’s Choice Awards at sa 29th Asian Film Festival. He also got nominations for his other films including “The Panti Sisters” and “Mahal Kita Beksman”.

Diwata may dahilan kung bakit nagpapabayad sa ibang vloggers

DiwataDiwata1MALAYO na nga ang narating ng social media sensation, ang singer-entrepreneur and comedian na si Diwata (Deo Balbuena in real life) na sikat na sikat ngayon na nagsimula sa kanyang dinarayo at dinudumog ngayon na Diwata Overload Pares sa isang maliit na puwesto in Pasay City na kanyang napalaki.

Dahil siya’y nagmula sa isang mahirap na pamilya, naranasan ni Diwata ang mahihirap na trabaho at tumira sa ilalim ng tulay. Bukod dito ay nakaranas din siya ng physical abuse. Pero natuto siyang mag-ipon ng kaunting kinikita niya hanggang sa makapagpatayo siya ng kanyang sariling Diwata Pares Overload.

Sa tulong ni Coco Martin, si Diwata ay naging actor-comedian matapos niya itong isama sa kanyang hit primetime action-drama TV series, ang “FPJ’s Batang Quiapo” where he plays the role of Frida.

Si Coco and his team mismo ang nag-reach out kay Diwata bagay na kanyang pinasasalamatan. Since wala naman umano siyang experience sa acting, si Coco mismo ang kanyang naging acting mentor.

Dahil sa kasikatan ngayon ni Diwata, iba’t ibang mga kilalang vloggers ang dumarayo sa kanyang lugar para siya’y ma-feature sa kanilang respective vlogs.

Gaano katotoo ang balita na nagdi-demand na rin umano si Diwata ng bayad sa tuwing siya’y gustong ma-feature sa vlogs ng iba? Alam din kasi ni Diwata na kumikita ang ibang vloggers na nagpi-feature sa kanya. Alam din kasi niya na nai-interrupt ang kanyang negosyo sa tuwing may ina-accommodate siyang vlogger kaya may rason kung bakit siya nagdi-demand ng bayad.

Pangarap din ni Diwata na magkaroon ng kanyang dream house at ito’y malapit na niyang maisakaturapan. Inuna muna niya ang sasakyan na kailangan niya sa kanyang itinayong negosyo.

Heart na-challenge bilang head ng Senate Spouses Foundation

ChizNGAYONG si Sen. Chiz Escudero na ang bagong Senate President, automatic na ang misis nitong singer-actress, entrepreneur and fashion icon na si Heart Evangelista na ang mamuno ng Senate Spouses Foundation, isang posisyon na kailanman ay hindi niya inisip na mangyayari.

Since isa ring advocacy person si Heart, hindi ito magiging mahirap para sa kanya na pamunuan ang SSF na ngayon pa lamang ay kinu-consider niyang very challenging. But she’s glad na nariyan ang kanyang mister para siya’y gabayan.

Bago kay Heart ang pamumuno ng Senate Spouses Foundation pero marami ang naniniwala na kaya niya itong gampanan sa tulong at suporta ng ibang senate spouses.

Ngayon pa lamang ay marami na ang nagtatanong kung magku-cooperate ang misis ng pinalitang Senate President na si Sen. Migz Zubiri na si Audrey Tan-Zubiri.

Since advocacy-laden naman ang Senate Spouses Foundation, umasa ang marami na sana’y mag-participate at maging supportive din ang misis ni Sen. Migz na si Audrey.

Eva biglang pinag-usapan dahil sa FAMAS booboo

EvaWITHOUT her wanting it, veteran actress Eva Darren became controversial and an instant star dahil sa malaking boo-boo na ginawa ng FAMAS (Filipino Academy of Movie Arts and Sciences) coordinator sa nakaraang FAMAS Awards kung saan naimbitahan ang veteran actress na maging presentor ng isang award kung saan niya makakasama ang dating chairperson and CEO ng Film Decelopment Academy of the Philippines (FDCP), ang award-winning veteran actor na si Tirso Cruz III.

Although nag-apologize na ang FAMAS organization kay Eva at sa kanyang pamilya, the damage has been done. Bukod sa ito’y napahiya, she spent a good sum of money para makabili ng gown, magpa-parlor, bumili ng dinner tickets to the awards night for her and her family at nag-effort na makarating sa gabi ng parangal. Napakababaw ng rason na hindi umano agad nakita si Eva kaya ito’y pinalitan ng isang unknown singer.

Although tinanggap na ni Eva at ng kanyang pamilya ang apology ng FAMAS organization, hinding-hindi makakalimutan ng veteran actress at ng kanyang pamilya ang kahihiyang inabot nito nung nakaraang linggo sa Manila Hotel FAMAS event.

At dahil sa kontrobersiyang inabot ni Eva, sana’y mabigyan ito mga proyekto ng mga TV and film producers habang kaya pa niyang umarte sa harap ng kamera.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE