Biker Ang nasawing biktima. Kuha ni JONJON C. REYES

Biker patay sa 10-wheeler truck

May 29, 2024 Jonjon Reyes 72 views

Biker1Biker2DEAD on the spot ang 47-anyos na biker makaraang mabundol ng 10- wheeler truck Martes ng hapon sa Roxas Boulevard corner P. Burgos,Ermita, Manila.

Ang biktima ay nakilalang si Dominico Anocop Jr., ng Barangay 649, Baseco Compound,Port Area.

Kusang loob na sumuko sa Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) ang driver ng truck na si Aristeo Pablo, 36, ng San Nicolas, Gapan. Nueva Ecija.

Base sa ulat na isinumite ni Police Staff Master Sargent John Mark Estrada kay Police Major Jaime Gonzales Jr.,hepe ng Vehicle Traffic Investigation Section (VTIS) , bandang 12:35 ng hapon nang maganap ang trahedya.

Sa lakas ng impact matapos mabangga ng 10-wheeler truck ay tumilapon ang biker at tumama ang ulo nito sa semento.

Dinala ang mga labi ng biktima sa BVL Funeral Morgue para sa kaukulang awtopsiya.

AUTHOR PROFILE