Default Thumbnail

Welder ginripuhan sa Sta Mesa tigok

October 11, 2021 Francis Naguit 382 views

PINAGSASAKSAK sa dibdib at sa likurang bahagi ng ulo ang isang welder na namatay sa loob ng construction site sa Sta.Mesa , Manila,Linggo ng gabi.

Kinilala ang biktima na si George Arcega, tubong Pangasinan, at stay in sa isang construction site sa Ramon Magsaysay Avenue.

Ayon sa isinagawang follow up operation ng pulisya, naaresto ang sinasabing suspek na si Julito Deyon, karpintero, nasa 38 hanggang 40 anyos, tubong Leyte, at stay in din sa ginagawang gusali.
Batay sa ulat na isinumite ni Det.Jorlan Taluban kay P/ Lt.Adonis Aguila, hepe ng Manila Police District- Homicide Section , bandang 11:15 p.m. nang maganap ang krimen sa loob ng construction site.

Sa report ni Det.Taluban, may hawak ng kaso, nag-iinuman umano ang biktima ; ang suspek at ilan nitong kasamahan , nang magkainitan ang dalawa sa kanilang pinagtalunan.

Bago pinagsasaksak si Arcega , nagsuntukan muna sila , kaya nagawang awatin ito ng isang Mason na si Teodoro Repato at nagpasiya itong ibaba sa unang palapag.

Lingid sa biktima, sumunod sa kanila ang suspek na armado na ng patalim , saka ito inundayan ng saksak sa dibdib at likurang bahagi ng ulo.

Sa follow-up operation ng MPD – Station 8 , nadakip si Deyon , at nahaharap sa kasong ” Murder”

Si Arcega ay pansamantalang nakalagak sa Cruz Funeral Morgue , para sa kaukulang awtopsiya. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE