Default Thumbnail

Truck driver wakwak sa saksak, patay

October 11, 2021 Francis Naguit 318 views

NAWALAN ng saysay ang pagsusumamo ng isang 40-anyos na truck driver at nagawa pa itong pagsasaksakin ng isang lalaki sa Parola Compound sa Tondo, Manila, Linggo ng gabi.

Nagawa pang maisugod sa Gat. Andres Bonifacio Memorial Medical Center subalit hindi na rin naisalba ang biktimang si Nicanor Mercadal, ng 227 Area B Gate 10, Parola Compound sa Tondo

Samantala , patuloy naman ang isinasagawang manhunt operation ng Manila Police District – Homicide Section, katuwang ang mga operatiba ng MPD-Station 2 sa suspek na nakilala lamang sa pangalang Ricardo Madriaga alyas “Ricky”.

Base sa ulat ni Det.John Paul Rojo, may hawak ng kaso, nakikipag-inuman umano ang suspek kina Danilo Cayona at Racquel Venzon nang dumating ang biktima.

Tinangka umano ng biktima na humingi ng paumanhin sa suspek dahil sa matagal na nilang alitan.

Hindi umano tinanggap ng suspek ang paghingi ng paumanhin ng biktima hanggang sa magtalo at bumunot ito ng patalim saka pinag uundayan ng saksak ang biktima. Nina Francis Naguit & Jon-Jon Reyes

AUTHOR PROFILE