Andeng

Weekend Market

November 11, 2021 People's Tonight 235 views

Suportahan ang lokal na magsasaka! Iyan ang panawagan ni Antipolo City Mayor Andrea “Andeng” Ynares, sabay hikayat sa mga Antipoleño at mga nakatira sa karatig lungsod maging sa Metro Manila na mamili sa Weekend Market na matatagpuan sa Sumulong Park ng Antipolo.

“Tayo na sa Antipolo! Tayo na sa Farmers’ Weekend Market! Taas-noong inihahandog ng ating mga lokal na magsasaka at Pamahalaang Lungsod ang ating yearly Farmers’ Weekend Market na ginaganap sa Sumulong Park, Antipolo City simula ngayong Nobyembre 2021 hanggang Pebrero 2022,” sinabi ni Mayora Andeng.

Ang Farmers’ Weekend Market ay bukas ng 6 am to 8 pm tuwing Biyernes, Sabado at Linggo. Kasama sa mga produktong ibinibenta ang bigas, mais, ampalaya, sitaw, petchay, mustasa, saging, lettuce, okra, talbos, talong, kang kong, saluyot, dahon ng sibuyas, onion, kamatis, gabi, kalabasa, dalandan, lanzones, suja, guyabano, papaya, kamoteng kahoy, kalamansi atbp… na puro sariwa,” dagdag ni Mayora Andeng.

AUTHOR PROFILE