Walk of Faith ng Black Nazarene Maayos at mapayapang nairaos ang Walk of Faith ng Black Nazarene na umabot sa halos tatlong oras na paglalakad ng mga deboto mula Quirino Grandstand patungong Simbahan ng Quiapo sa pangunguna ni MPD Director PBGen. Andre P.Dizon at ng ibang ahensiya ng gobyerno kasama ang lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Maynila. Mga kuha ni JON-JON REYES

Walk of Faith ng mga deboto ng Itim na Nazareno mapayapa

January 8, 2023 Jonjon Reyes 282 views

Walk of Faith ng mga deboto

Mapayapa
Ang ilan sa mga deboto ng Itim na Nazareno na sumama sa Walk of Faith. Kuha ni JON-JON REYES

MAPAYAPANG nairaos ang isinagawang Walk of Faith ng mga deboto ng Itim na Nazareno, na nagsimula ng bandang 1: 35 a.m. sa Quirino Grandstand sa Luneta hanggang sa simbahan ng Quiapo, Manila nitong Linggo, bisperas ng pagdiriwang.

Labingsiyam na mga kalsada ang pansamantalang isinara para sa daraanan ng imahe ng Mahal na Hesus Nasareno.

Ayon sa ulat ni Police Major Philipp Ines ng Public Information Office ng Manila Police District , umabot sa 247,000 na mga miyembro ng Philippine National Police, tulad ng mga tauhan MPD, Northern Police District, Eastern Police District, Southern Police District at ang Quezon City Police District ang nakadeploy sa iba’t ibang bahagi ng lugar, upang makasiguro ang pulisya na tahimik at payapa ang Walk of Faith.

Si Police Major Christian Dee DG Cacho, vice president ng Multi – Agency Coordinating Center, ang nag-uulat ng mga kaganapan.

Bago ang Walk of Faith, nagsagawa muna ng briefing ang MACC sa MPD -Rizal Hall upang planuhin ang hakbang ng seguridad.

Sa labas ng simbahan ng Quiapo ay nakaantabay ang 18 tauhan ng Red Cross at may 200 hijos.

Umabot sa 116 kapulisan ang nakadeploy sa Quiapo, 36 sa Quirino at 29 na mga tauhan ng Philippine Coast ang nagbantay sa paligid ng Grandstand.

Labingwalong indibidual ang mga tauhan ng Department of Health, 160 na mga tauhan ng MDRRO at 23 tauhan ng Bureau of Fire Protection ang nagmasid sa kapaligiran.

Sa report ng MACC, mula 5 p.m. nitong Sabado nang magsimula ang misa sa Grandstand hanggang 11 p.m.

Dakong 12:00 ng hatinggabi, nang magsimula muli ng Misa at 1:30 a.m. nang isinagawa ang Walk of Faith na mapayapang nagtapos dakong 3:46 a.m.

Naniniwala si MPD- Director Police Brigadier General Andre Perez Dizon na tagumpay ang isinagawang plano sa pista ng Itim na Nazareno.

AUTHOR PROFILE