Patay File photo ni JONJON C. REYES

Obrero sinundo ni Kamatayan

May 8, 2024 Melnie Ragasa-limena 47 views

OBRERO pinagbabaril hanggang mamatay ang isang construction worker ng kanyang kasamahan sa trabaho na sumundo pa umano sa kaniya nitong Miyerkules ng umaga sa kaniyang tirahan sa Quezon City.

Dead on arrival sa Rosario Maclang Hospital ang biktimang si Julius Aydalla Peronce 29, residente ng 28 Bayanihan St., Talanay A, Brgy. Batasan Hills, Quezon City.

Nasa kustodiya ng pulisya ang isa sa mga suspek habang pinaghahanap ang bumaril sa biktima na kasamahan din umano niya sa trabaho.

Batay sa imbestigasyon ni PSSg Angel Pascasio III ng Quezon City Police District- Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) nangyari ang insidente dakong alaa 7 ng umaga nitong Martes sa harap ng No.44 Bukal St. Barangay Batasan Hills, Quezon City.

Ayon sa salaysay ng live-in partner ng biktima, sinundo ng suspek si Peronce sa bahay.

Dala ng hinala, sinundan niya ang dalawa sa paglalakad hanggang sa makarating sa pinangyarihan mg krimen.

Dito niya nakita na sumenyas ang suspek at tila itinuturo si Peronce.

Makalipas ang ilang segundo lumitaw ang isa pang suspek at paulit ulit na pinagbabaril ang biktima.

Matapos ito ay magkasamang tumakas ang dalawang suspek dala ang ginamit na baril.

Sa follow up operation, naaresto ang isa sa mga suspek habang patuloy naman ang manhunt operation sa kasamahan nito.