Dead on Spot ang isang rider at sugatan ang sekyu sa Sta. Ana, Manila Dead on Spot ang isang rider at sugatan ang sekyu sa Sta. Ana, Manila,matapos araruhin ng isang pampasaherong jeep makaraan pumutok ang gulong at nawalan ng kontrol nito at tuloy tuloy sa loob ng hospital linggo ng umaga.

Jeepney pumasok sa ospital, 1 dedo

January 8, 2023 Jonjon Reyes 272 views

ISANG rider ang nasawi habang isang sekyu ang sugatan nang pumutok ang gulong ng isang pampasaherong jeep at tuloy-tuloy na pumasok sa isang ospital sa Sta. Ana,Manila Linggo ng umaga.

Namatay sanhi ng tinamong malaking sugat sa ulo ang rider na nakilalang si Noe Ocenar Abaigar, nasa hustong gulang, habang sugatan ang nahagip na security guard na si Marvin Pelaez.

Nahaharap sa kasong homicide at frustrated homicide through reckless imprudence ang tsuper ng jeepney na si Ronaldo Fanis.

Base sa ulat ni Police Lieutenant Orlando Mirando Jr., commander ng Sta. Ana Police Station 6, bandang 10:30 a.m., habang binabagtas ng pampasaherong jeep (OSC 553) ang kahabaan ng Panaderos Street patungo ng Pedro Gil Street nang sumabog umano ang isang gulong ng nito.

Nawalan ng kontrol sa manibela si Fanis kaya ito pumasok sa bukana ng Trinity Women and Children’s Hospital.

Nabangga si Abaigar na lulan ng itim na scooter habang nahagip si Pelaez.

Dahil sa Manila District Traffic Enforcement Unit ang kaso, itinurn over si Fanis kay Police Major Roberto Gonzales, tsip ng Investigation Section ng MDTU.

AUTHOR PROFILE