Default Thumbnail

Walang kakayahang bantayan ang mahabang dalampasigan

November 21, 2021 Vic Reyes 252 views

Vic ReyesSA dami ng mga magsasaka sa bansa, kaya nilang magpanalo ng kandidato tuwing may eleksyon.

Malaking bahagi ng mga botante ang mga magsasaka’t mangingisda.

Ang problema lang, wala silang pagkakaisa.

Walang maestro na magsisilbing lider para ipaglaban ang kanilang kapakanan.

Hirap na nga sila dahil sa mataas na presyo ng binhi, abono, gasolina at iba pang gamit ng mga magsasaka ay nandiyan pa ang mga ismagler.

Sila ang mga nagpaparating ng mga iligal na gulay, bigas at iba pang agricultural products na pumapatay sa hanapbuhay ng mga kawawang magsasaka.
Kung saan-saan sila nagpaparating ng mga puslit na produktong agrikultura.

Sa tingin nga ng marami,

hindi lang technical smuggling kundi outright smuggling na ang ginagawa ng iba dahil alam nilang mahaba ang dalampasigan ng bansa.

Hindi man aminin, walang kakayahan ang mga otoridad na bantayan ang ating coastlines.

Kaya madaling nakapapasok sa bansa ang mga malalaking barko na puno ng mga gulay.

Kukunin na lang ng maliliit na barko ang dalang gulay ng mga dambuhalang sasakyang pandagat.

Ang mga technical smuggler naman ay kung saan-saang puerto dinadala ang mga puslit nilang gulay.

Kamakailan nga ay nakasakote ang Port of Subic ng mga puslit na produktong agrikultura na nagkakahalaga ng P66 milyon.

Ang mga produkto ay nakapaloob sa 22 40-foot container van.

Ang l3 container vans ay naka-consigned sa EMV Consumer Goods Trading, samantalang ang siyam ay naka-consigned sa JKJ International Company.

Nang idaan sa X-Ray at magsagawa ng physical examination sa mga kargamento ay nakumpirma na mga gulay ang laman ng mga ito.

Ang mga container van ay naglalaman ng carrots, sweet oats, broccoli, mushroom at onions.

Mabuti na lang at laging naka-alerto ang mga tauhan ni Port of Subic District Collector Maritess Martin.

Kundi, laking pahirap na naman sana nito sa mga pobreng magsasaka.

Kaya sa darating na halalalan dapat huwag nang iboto ng mga magsasaka at mangingisda ang mga opisyal ng gobyerno na protektor ng mga ismagler!

***

Umiinit na ang kampanya politikal.

Ang mga dating magkakasama ay kanya-kanya ng diskarte.

Ganyan ang politika sa bansa. Ngayon ay magkakampi, bukas ay magkakalaban na.

Pero dapat hindi humantong sa sakitan dahil politika lang yan.

Pang-eleksyon lang ang bangayan ng mga magkakaibigan at magkakapitbahay, lalo na sa mga probinsiya.

Pagkatapos ng eleksyon, dapat kalimutan na ang politika.

Ang atupagin ay ang kapakanan ng bayan at taumbayan.

Huwag natin kalimutan na walang ibang tutulong sa atin sa oras ng pangangailangan kundi ang ating mga kapitbahay, kaibigan at kamag-anak.

Hindi puwedeng umasa sa mga taong malayo sa atin.

Tama ba, Pangulong Rody Duterte?

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #(0969) 037 7083/email:tingnannatin08@gmail. com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE