Audrey

Vivamax star Audrey Avila may experience kay JM

April 16, 2024 Eugene E. Asis 103 views

Audrey1Audrey2Audrey3MALAKI ang potential ng Vivamax Bombshell na si Audrey Avila na isa sa mga bida ng movie for streaming na ‘Dayo’ kung saan niya kasama sina Rica Gonzales, Marco Gomez, Nathan Rojas at iba pa.

In person, kaagad na makikitang pwedeng-pwede siyang makatawid sa mainstream entertainment.

In fact, in between her Vivamax projects, nakasama pala siya sa Kapamilya series na ‘Linlang’ nina Kim Chiu, Paulo Avelino at JM de Guzman. Sa naturang series, tumatak siya bilang other woman ni JM.

Ani Audrey: “Ibang iba ang sistema roon. Kaya parang nahihiya ako. Takot na takot ako kay Direk FM Reyes. Kaya nung kainan na, sa kabilang kwarto ako pumuwesto. Nung makita nila ako, sabi, ‘o, ba’t ka diyan kumakain? Dito ka sa amin.’ ‘Yun, parang na-boost yung confidence ko.”

Puring-puri niya ang mga lead stars, lalo na sina JM at Kim.

“Ang babait nila, hindi mo mararamdaman na big stars sila. Lalo na si Ate Kim, kasi funny din siya, sobrang masayahin. At talagang magaling siyang actress, lahat sila ang gagaling!” aniya.

Kaya naman wish ni Audrey na sana’y mabigyan siya uli ng chance na makatrabaho ang lead stars ng “Linlang.”

Samantala, sa “Dayo” gumaganap siya bilang isang “retired prosti.” “Nanood ako ng mga films for my references sa character ko. Yung nga nuances and mga posture ng prostitute. Naipakita ko na rin ang lahat (sex scenes). Pero may ipapakita pa ako, every project laging challenging at may ipapakita,” sabi ni Audrey.

May love scene sila ng isa pang bida sa movie na si Rica Gonzales. “Sa dagat kami nag-sex so, gabi siya at walang masyadong tao and sobrang hot ng eksena na ‘yun. Quickie lang siya and hindi naman mahirap kasi naka-standing lotus position kami, so hindi siya naka-expose sa dagat o buhangin,” kuwento pa niya.

Sa pelikulang “Dayo” ni direk Sid Pascua at sa panulat ni Quinn Carrillo, ginawa ni Audrey ang lahat, pero aniya, marami pa siyang pwedeng ipakita sa mga susunod na projects.

Ang “Dayo” ay mapapanood sa Vivamax simula April 19.

Samantala, kapag hindi busy sa pag-aartista, ginagawa naman ni Audrey ang isa pa sa kanyang mga talento, ang pagpipinta. “Mga commisioned artworks,” aniya. “Saka, may tattoo shop po ako sa Las Pinas.”

Isa si Audrey, whose real name is Shayne Marie Asis, sa magpapatunay na hindi lamang paghuhubad ang nalalaman ng mga tinatawag na Vivamax stars. Siya ay nasa pangangalaga ng sikat na talent manager na si Jojo Veloso.

AUTHOR PROFILE