Vice

Vice, isinisi ang isyu ng overtime sa co-hosts

July 27, 2022 Vinia Vivar 380 views

Ayon kay Vice Ganda, hindi rin niya gusto na nag-o-overtime ang It’s Showtime dahil very unprofessional ito at nakakahiya sa susunod na programa.

Sinabi niya ito sa kanyang latest YouTube vlog habang tinu-tour ang viewers sa newly renovated studio ng nasabing noontime show.

Matatandaang nag-trending ang It’s Showtime last July 18 nang i-cut ito sa ere sa TV5 dahil lumampas na ito kanilang timeslot na 12:45-3 p.m.

Sa kanyang vlog ay ipinakita ni Vice ang malaking LED screen sa DJ booth na aniya ay napakahalaga para sa kanila.

“Mahalagang-mahalaga ho ‘yan. Pwedeng tanggalin ‘yung DJ booth, pwede ring tanggalin ‘yung LED walls diyan, pero ito, hindi pwedeng tanggalin dahil diyan lumalabas ang oras kung overtime na ang Showtime. Because Showtime is overtime! Gano’n!” pahayag ni Vice.

Ibinida rin niyang siya ang nagku-kontrol sa kanyang mga co-host para hindi mag-overtime ang show. Sinisi niya ang mga kasamahan na wala raw kadisi-disiplina.

“Nakikita n’yo naman ho, sa loob ng ilang taon, ako ho talaga ‘yung dahilan para ma-control ko ’yung pag-o-overtime nila dahil walang kadisi-disiplina ’yung mga kasamahan ko, Diyos ko!

“Walang ibang ginawa kung hindi magngangawa nang magngangawa nang magngangawa, wala nang katorya-torya ’yung mga sinasabi, nag-o-overtime tuloy,” litanya ni Vice.

Dagdag pa niya, no-no talaga sa kanya ang overtime.

“Nakakahiya sa susunod na programa. No-no talaga sa akin, that’s very unprofessional,” sey niya.

‘Yun nga lang, ewan kung seryoso si Vice sa kanyang litanya o nang-aasar lang dahil bumunghalit siya ng tawa pagkatapos niya itong sabihin.

BAGONG SERYE

May bago na namang susubaybayan ang Kapuso viewers sa nalalapit na pagsisimula ng seryeng Return to Paradise sa GMA Afternoon Prime.

Tampok dito ang bagong tandem nina Derrick Monasterio at Elle Villanueva. Pasok din sa cast ang beteranang aktres na si Eula Valdes.

Inaabangan na sa programa ang steamy love story nina Eden (Elle) at Red (Derrick) na nahulog ang loob sa isa’t isa habang stranded sa isla.

Pero bukod sa kanilang daring scenes, dapat ding abangan ng viewers ang kakaibang family drama sa serye.

Magsisimula na sa August 1 ang Return to Paradise, Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

AUTHOR PROFILE