Vice3

Vice Ganda at Ion ikinasal sa Las Vegas

February 15, 2022 Aster Amoyo 581 views

Vice2ViceIT was only recently when comedy superstar Vice Ganda shared in his vlog na kasal na sila ng kanyang partner of over two years na si Ion Perez na kasama niya sa long-running noontime show ng ABS-CBN, ang “It’s Showtime”.

The wedding took place on October 19, 2021 at the Little Vegas Chapel in Las Vegas, Nevada, USA nang magtungo ng Amerika ang dalawa for Vice Ganda’s sold-out US concert tour (during the pandemic).

The couple made sure na sa Amerika magaganap ang kanilang kasal kung saan legal ang same sex marriage at hawak na nilang dalawa ang kanilang Certificate of Commitment.

Vice Ganda who is Jose Marie Borja Viceral in real life is 45 habang si Ion who is Benigno Dungo Perez sa tunay na buhay ay 31. They first met sa set ng dating Sunday late night talk show ni Vice, ang “Gandang Gabi, Vice” ng ABS-CBN. Muling nagkasama sina Vice at Ion nang mag-audition ang huli bilang “Kuya Escort” sa Miss Q&A contest, isang segment ng noontime program na “It’s Showtime” kung saan isa sa mga main host ang singer-comedian-host. Nang matanggap si Ion, doon nagsimula ang pagiging extra close nila ni Vice.

It was in November 2019 nang aminin pareho nina Vice at Ion ang kanilang relasyon na ikinatuwa ng kanilang mga kaibigan, mga kasamahan sa “It’s Showtime” at maging ng kanilang mga tagahanga. Kitang-kita sa dalawa ang kanilang pagiging inspired sa isa’t isa.

Si Vice ay bunso sa limang magkakapatid. He was still very young nang ma-murder ang kanyang barangay captain father sa Tondo, Manila na personal pa niyang nasaksihan. Dahil dito, napilitan ang kanilang ina na magtungo ng Amerika kung saan siya namasukang caregiver para lamang masuportahan ang kanyang limang anak at makapagtapos sa kanilang pag-aaral. Ang isang nakatatandang kapatid ni Vice na si Tina ay isa nang ganap na doctor habang si Vice ay nagtapos ng Political Science sa Far Eastern University (FEU).

Samantala, ang partner ni Vice na si Ion Perez ay panglabing-isa sa 15 magkakapatid. Isang jeepney driver ang kanyang at nagtitinda naman ng mga kakanin ang kanyang ina.

Aminado si Ion na nakaranas siya ng pambu-bully nung siya’y bata pa dahil mukha siyang patpatin noon. Pero sa halip na magpa-apekto, ginawa niya itong inspirasyon para magpaganda ng katawan.

Nang magkaroon sila ng stall sa palengke, kadalasan ay shirtless si Ion (as his marketing strategy) para ma-attract ang customers na lumapit sa kanilang puwesto and it worked.

Bago naging bahagi ng “It’s Showtime” si Ion ay sumali siya noon sa iba’t ibang male pageants tulad ng Misters of the Filipinas (where he was among the winners) nung 2017 at Mister Universe in 2018.

Aminado si Ion na sobra siyang mahiyain noon kaya matagal umano siyang nakumbinse na sumali sa naturang pageants. He was also featured sa Cosmopolitan Philippines fashion magazine bilang isa sa listahan ng mga bachelors.

KayeAnak nina kaye at Paul bininyagan na

ISA nang ganap na Kristiyano ang second son ng celebrity couple na sina Kaye Abad at Paul Jake Castillo na si Pio Joaquin matapos itong binyagan last Saturday, February 12 in Cebu City.

Ang panganay na anak ng mag-asawang Kaye at Paul Jake na si Joaquin ay five years old na.

Although sa Cebu na naka-base ang mag-asawang Kaye at Paul Jake, bukas pa rin ang mag-asawa sa pagtanggap ng acting jobs kung may alok sa kanila.

Kim may panahon kay Xian kahit dobrang busy

ANG 31-year-old na si Kim Chiu ay isa na yata, if not the busiest showbiz personality, dahil araw-araw itong napapanood sa telebisyon mula Lunes hanggang linggo.

Mula Lunes hanggang Sabado ay napapanood siya sa top-rating and long-running noontime show na “It’s Showtime” bilang isa sa hosts. Kapag Linggo naman, she sizzles sa dance floor ng “ASAP Natin `To” bilang Dance Queen and during weekends (Saturday and Sunday) ay napapanood siya sa “Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10” bilang isa sa hosts with Bianca Gonzales as the main host matapos nag-quit sa programa si Toni Gonzaga.

Kilala si Kim sa pagiging dedicated sa kanyang trabaho kahit wala na itong gaanong pahinga pero naglalaan ito ng oras para sa kanyang love, ang Viva singer, actor, director at producer na si Xian Lim.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE