Julia

Gerald hindi nabawi ang lahat ng gamit sa basag-kotse gang

February 15, 2022 Aster Amoyo 613 views

NAGING biktima ng basag-kotse gang ang aktor na si Gerald Anderson isang araw bago ang Valentine’s day. Ayon sa ulat, nakaparada ang SUV ng actor sa parking ng isang building kung saan naroon ang kanyang gym business, ang The Th3rd Floor nang may dalawang tao lulan ng motorsiklo ang dumating. Bumaba ang isa at ito ang sumilip sa loob ng sasakyan ng actor at kasunod na rito ang pagbasag ng isang window glass sa may likuran at saka tinangay ang isang mamahaling bag na naglalaman ng mahahalagang IDs, passport, wallet with cash, laptop at mamahaling relos at iba. Kitang-kita sa CCTV ang paraan kung paano binasag ng kawatan ang window glass ng sasakyan ni Gerald.

Sa tulong ng CCTV at ng mga operatiba, natunton ang mga salarin. Nabawi ang ilang gamit ni Gerald pero hindi lahat.

Nagpasalamat si Gerald sa mga otoridad na agad umaksyon para mahuli ang mga salarin. Magsisilbi rin itong leksyon sa lahat na dapat huwag mag-iwan ng mga mahahalagang bagay sa loob ng sasakyan dahil ito ang magiging mitsa para sirain o pagnakawan ang kanilang mga sasakyan.

Samantala, bukod sa gym business ng boyfriend ni Julia Barretto, may pag-aari rin siyang beach resort, ang Hayati (Arabic word which means `my life’) na matatagpuan sa Botolan, Zambales.

Sa buwan ng Marso ay magkasunod na ise-celebrate nina Gerald at Julia ang kanilang kaarawan. The actor-entrepreneur will turn 33 on March 7 habang magtu-25 naman ang kanyang girlfriend on March 10.

Nung isang taon ay sa beach resort ni Gerald nag-celebrate ang magkasintahan sa kaarawan ni Julia kasama ang pamilya ng young actress.

StephanieStephanie mas umaangat sa mga kapatid

SABAY-SABAY na lumagda ng talent management contract sa Viva Artists Agency (VAA) ang magkakapatid na Angela Morena, Stephanie Raz at Micaela Raz late last year. Ang tatlong magkakapatid na sexy talents ay mga pamangkin ng dating sexy star na si Lara Morena (Mylene Sanchez in real life). Although ang tatlo ay agad nabigyan ng magkakahiwalay proyekto ng Viva, si Stephanie ang tila mas in-demand ngayon matapos ipinakilala sa “Pornstar 2; Pangalawang Putok” na kapanabayan nina Cara Gonzales, Ayanna Misola at Sab Aggabao. Ang nasabing pelikula ay mula sa panulat at direksiyon ni Darryl Yap, ang writer-director na may pinakamaraming pelikulang nagawa nung isang taon na ipinalabas sa Vivamax streaming app.

Nakatrabaho naman ni Stephanie ang kanyang nakatatandang kapatid na si Angela Morena sa comedy movie na “Sanggano, Sanggago, Sanggwapo Part 2” na pinagbidahan nina Janno Gibbs, Andrew E. at Dennis Padilla kasama sina Rose Van Ginkel at Ali Forbes na dinirek naman ng actor-director na si Al Tantay.

Napasama rin si Stephanie sa pelikulang “Hugas” kung saan tampok na mga bituin sina AJ Raval at Sean De Guzman at kung saan din kasama sina Cara Gonzales, Deberly Bangcore, Jay Manalo, Joko Diaz at Bob Jbeili. Ito’y pinamahalaan naman ni Roman Perez, Jr.

Si Stephanie ay tampok ngayon sa pelikulang “L” series na dinirek ng tatlong magkakaibang director na sina Roman Perez, Jr., Topel Lee ata EJ Salcedo kasama sina Vince Rillon, Ayanna Misola, Cara Gonzales at Sab Aggabao .

As if these are not enough, si Stephanie may may iba pang projects at kasama na rito ang “Fidelity” with Dustin Celebtino at the helm.

Ang nakakatuwa kina Angela, Stephanie at Micaela ay suportahan silang magkakapatid at never umanong magkakaroon ng sibling rivalry sa kanila.

“Proud kami sa achievement ng bawat isa sa amin,” pahayag ni Steph who considers her Tita Mylene (Lara Morena) as her inspiration.

“Tita Mylene is not just our aunt, she’s also our second mother next to our mom,” dugtong pa niya.

Samantala, inamin ng Kapampangan sexy actress na hangga’t maaari ay ayaw niya umanong ma-inlab sa kanyang katrabaho para hindi umano masira ang kanilang pagkakaibigan pero ayaw niyang magsalita ng tapos.

GlaizaGlaiza1Glaiza2Kasal sa simbahan nina Glaiza at David magaganap sa Pilipinas

HINDI lamang sina Vice Ganda at Ion Perez ang ikinasal sa ibang bansa nung October 2021 kundi maging ang LDR engaged couple, ang Kapuso singer-actress na si Glaiza de Castro at ang Irish national na si David Rainey.

Kung sina Vice at Ion ay ikinasal sa Las Vegas, Nevada sa Amerika, isa ring intimate wedding ang nangyari sa Ireland sa pagitan nina Glaiza at David na susundan ng isang church wedding sa Pilipinas, hopefully this year.

Although bihirang mag-last ang LDR (long distance relationships) among couples, nag-work-out naman ito kina Glaiza at David na unang nagkakilala sa Siargao in 2018 kung saan nag-celebrate ng kanyang birthday ang singer-actress. That led to to their constant communication kahit bumalik na ng Ireland si David.

Kung matatandaan pa, na-stranded si David sa pag-aaring beach house ni Glaiza in, Baler nang pumutok ang Covid-19 sa Pilipinas dahil kanselado ang mga international flights. After a couple of months ay nakalipad din pabalik ng kanyang bansa ang nobyo ng Kapuso singer-actress sometime in May 2020.

Since may travel restrictions sa Pilipinas sa foreigners, hindi makabalik ng Pilipinas si David kaya si Glaiza ang lumipad patungong Ireland sa huling bahagi ng 2020 at doon na nag-propose ang kanyang nobyo. Muling nagkita ang dalawa sa kanilang pre-nup shoot in Spain in September 2021 at saka sila tumuloy sa Ireland kung saan naman sila ikinasal the following month of same year.

The intimate wedding was attended by David’s family at hindi rin sila nagpalitan ng wedding ring dahil gusto nila itong mangyari sa kanilang church wedding sa Pilipinas kung saan inaasahan na magkakaroon ng mahalagang papel ang best friend ni Glaiza, ang Kapuso actress na si Angelica Panganiban.

When Glaiza took a three-month music production course in London in 2019, she had an opportunity na makilala ang pamilya ni David at twin brother nito.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE