Default Thumbnail

TV5, hindi tinapos ang SONA ni Pres. Duterte

August 1, 2021 Joey Aquino 310 views

NATANONG kami ng isa sa mga kasamahan sa media kung napanood namin ang SONA coverage ng TV5 last week. Nagulat daw kasi sya bumitaw lang Kapatid Network sa coverage ng live speech ni Pangulong Duterte.

Akala raw nila nung una ay nagkaroon ng technical issues pero nang mag-check sila sa iba, tuloy naman daw pala ang live speech sa ibang TV stations at pati na rin sa online streaming.

Usually ay pagalingan ang mga TV network pagdating sa ganitong coverage. Wala talagang bumibitaw. Lahat ng kaganapan sa SONA – mga rally, traffic situation, at pati na suot ng mga nag-attend – ay detalyadong nire-report. Kaya naman nakapagtataka ang ginawa ng TV5.

Posibleng hindi nila inasahang ganuon kahaba ang speech. Pero since special coverage naman iyon, sana ay nag-adjust na lang sila. Tama ba o hindi? Just asking…

AUTHOR PROFILE