‘Tuk-tuk’ rider binaunan ng bala sa sentido

October 31, 2022 Jonjon Reyes 101 views

DROGA ang isa sa tinitingnang angulo n ng mga awtoridad makaraang barilin nang malapitan sa kaliwang sentido habang lulan ng minamanehong “Tuk-tuk” sa harap ng 999 Mall sa Binondo, Maynila Sabado ng umaga.

Ayon sa pulisya, ang biktima ay tubong Bagong Lanao Del Sur, Marawi at pansamantalang nanunuluyan sa Bagong Lupa, Baseco Compound Port Area, Maynila.

Samantala, tanging suot lamang na itim na jacket ang naging pagkakakilalan sa suspek na gunman na mabilis tumakas bitbit ang ginamit na baril.

Base sa ulat na ibinigay ni Det. Dennis Suba at Det. John Teody Seguen kay P/Lt. Dennis Turla, hepe ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, pasado alas-10:40 ng umaga, nang may pumutok at malapitang binaril ang biktima sa kanyang pinapasadang “Tuk-tuk” sa harap ng mall sa Binondo.

Ayon sa isang saksi, isa umanong lalaki ang lumapit sa biktima, habang nasa manibela ng tricycle nito at bigla na lamang umano malapitang binaril sa kaliwang sentido kung saan “dead on spot” ang nasabing biktima.

Agad naman rumesponde ang mga tauhan ni P/Lt. Col. Rexson Layug, station commander ng MPD Police Station 11 at agad na kinordon ang area saka ipinagbigay alam sa tanggapan ng MPD Homicide Section.

Kabilang din sa isa pang tinitignan anggulo ng mga awtoridad na maaaring may “atraso” ang biktima sa kanilang lalawigan at sa Maynila ito nagtago.

Gayunman, dahil sa tradisyon ng kapatirang Muslim, ang labi ng biktima ay idiniretso sa Golden Mosque sa Quiapo.

AUTHOR PROFILE