Tsinoy patay sa ‘barbel’ steel bar

April 27, 2022 Jonjon Reyes 71 views

NAUWI sa madugong tagpo ang sinapit ng isang 43-anyos na Tsinoy (Filipino-Chinese) matapos hatawin sa ulo ng “barbel” steel bar ng kanyang nakaalitan, habang sugatan nanan ang kasamhan nito sa Nazareno St. Tondo sa Maynila, Lunes ng madaling araw.

Dakong 1:07 ng hapon, nang bawian ng buhay ang biktimang si Jervy Ang, residente ng 555 Juan Luna St., Tondo.

Nasa maayos nang kundisyon ang isa pang biktimang si Enrico Isip, 38, ng E.Carola St., Tondo.

Masusing tinutugis ang sinasabing responsable sa krimen na nakilalalang sina James Kenneth Caragdag, nasa hustong edad, ng Lorenzo St., Tondo at ang kasama nitong si alyas “June Has”.

Base sa ulat na isinumiti ni Det. Sir Joseph Christian Pineda kay P/Lt. Adonis Aguila, hepe ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, naganap ang insidente bandang 2:00 ng madaling araw nitong nakaraang Lunes sa Nazareno St., Tondo.

Bago nangyari ang krimen, binisita umano ng mga biktima ang ama ng suspek na nakilalang si alyas “Toyo”.

Inabutan umano ni Caragdag ang mga biktima sa kanilang bahay na bigla niyang pinauwi ang mga ito.

Hindi nagustuhan ng mga biktima ang ginawa ng mga suspek kaya nagkaroon ng mainitang pagtatalo kaya inawat na sila ng ilang opisyal ng barangay.

Nang umalis ang mga biktima, lingid sa kanilang kaalaman, ay sinundan na pala sila ng mga suspek at bigla na lang hinataw ni Caragdag ng barbel steel bar si Ang sa ulo at duguang bumagsak sa sementadong kalsada.

Kasabay ding hinataw ng barbel steel bar si Isip at sinuntok pa ni June Has, bago tuluyang nagsitakas.

Naisugod pa ang biktima sa Jose Reyes Memorial Medical Center pero binawian din ito ng buhay at isasailalim sa awtopsiya.

AUTHOR PROFILE