Carlo

Trina hindi sarado ang pinto kay Carlo

September 22, 2022 Aster Amoyo 117 views

KAHIT hiwalay na ang dating mag-partner na sina Carlo Aquino (37) at Trina Candaza (26), magkaibigan pa rin ang dalawa dahil sa kanilang two-year-old daughter na si Enola Mithi na kamakailan lamang nag-celebrate ng kanyang kaarawan.

May mga times na nagkakasama pa rin ang (dating) magkasintahan sa pamamasyal kasama ang kanilang anak na si Mithi.

It was in January this year nang umalis si Trina at anak nitong si Mithi sa poder ng actor at lumipat sila sa condo unit ni Trina. Dumadalaw naman daw doon ang actor kapag wala itong trabaho.

Hindi isinasarado ni Trina ang posibilidad na muli silang magkabalikan ni Carlo pero sa ngayon ay okey umano ang kanilang set-up at hindi naman umano nagpapabaya ang actor sa kanyang responsibilidad sa kanilang anak na si Mithi.

Fuentes

Bambbi tuluy-tuloy na ang pagiging producer

CELEBRITY make-up artist and beauty salon owner Bambbi Fuentes is now a movie producer ang talent manager after he put up Dragons Entertainment Productions and Dragons Talent Management along with good friend, entrepreneur Cristine Areola.

Inamin sa amin ni Bambbi na marami umano siyang na-realize sa kasagsagan ng pandemya kung saan halos lahat ng mga negosyo ay bagsak including his own beauty salon. Lahat ng mga advance bookings for debut parties weddings and other events ay nakansela lahat.

“Talagang sadsad ang negosyo,” pag-amin pa niya.

When a designer-friend ni Bambbi passed on dahil sa sakit na AIDS, sobra umano siyang nabahala at ginawa niya itong personal advocacy. Since malaki ang reach ng pelikula, he produced a short film na pinamagatang “Sugat sa Dugo” na siya rin ang gumawa ng kuwento at kinuha niya si Danny Ugali to direct the movie na tinampukan ni Janice de Belen at talent niyang si Khai Flores with the special participation ni Charmaine Arnaiz. Kasama rin sa pelikula ang mga bagong talents ng Dragons Talent Management tulad nina Emcelle Abuso (20), Christa Jocson (22), Shira Tweg, Mira Aquino at iba pa.

The movie “Sugat sa Dugo” was entered sa 2021 International Film Festival Manhattan (IFFM Autumn) in New York, USA nung nakaraang October 2021 kung saan si Janice ang tinanghal sa Best Actress. Ito bale ang first international acting award na natanggap ng ex-wife ni John Estrada.

Ayon sa neophyte producer at talent manager na si Bambbi, balak umano niyang makipag-alyansa sa DepEd para maipalabas ang pelikula sa mga eskwelahan for awareness sa sakit na AIDS na di dapat balewalain laluna ng mga estudyante at mga kabataan.

Ang “Sugat sa Dugo” ay nagkaroon ng premiere night sa sa The Block ng SM North EDSA last night at nakatakdang ipalabas sa mga sinehan simula sa darating na September 28 kasabay ng balik-tambalan sa pelikula ng magkasintahang Kim Chiu at Xian Lim, ang Philippine adaptation ng Korean hit movie na “Always” na dinirek ni Dado Lumibao.

“Sana tangkilikin ng mga manonood ang advocacy film na “Sugat sa Dugo,” pakiusap ng bagong producer at talent manager na si Bambbi.

Flores

Khai tutuparin ang pangarap

HINDI ikinakaila ng 19-year-old na si Khai Flores na ang kanilang kahirapan ang nagbunsod sa kanya na pumasok sa larangan ng pag-aartista.

“Gusto ko pong mabago ang buhay namin ng lola ko na siyang nag-alaga sa akin,” panimula niya.

Aminado si Khai na hindi umano niya nasilayan ang kanyang biological mother mula sa kanyang pagkabata. Ang kanyang biological father naman ay may iba nang pamilya at may dalawang anak.

May dalawa rin umano siyang kapatid sa mother side.

Pero sa halip na mag-rebelde, he was raised well ng kanyang lola kahit lumalaki siya na marami siyang katanungan. Naiinggit umano siya sa mga kaklase niyang kasama ang mga magulang sa mahahalagang okasyon na hindi umano niya naranasan.

Sa halip na magtanim ng galit ay inunawa na lamang umano niya ang kanyang sitwasyon, isang rason kung bakit gusto niyang magtagumpay balang araw.

Given the chance, gusto rin ni Khai na tapusin ang kanyang pag-aaral sa kabila ng kakakupusan ng pera ng kanyang lola.

“Tutuparin ko ang mga pangarap ko,” aniya.

Thankful si Khai sa malaking break na ibinigay sa kanya ng kanyang manager na si Bambbi Fuentes na mabigyan ng magandang break sa pelikulang “Sugat sa Dugo” na malapit nang matunghayan sa mga sinehan ngayong September 28.

Crista

Christa at Emcelle may mga hugot pamilya

KUMPLIKADO rin ang pamilyang kinalakihan ng baguhang aktres na si Christa Jocon (22) dahil pito umano silang magkakapatid sa ina mula sa limang magkakaibang ama. At solo umano silang binubuhay ng kanilang ina.

Kahit magkakaiba ang kanilang ama, tunay na magkakapatid ang turingan nilang pitong magkakapatid.

Ang pagpasok sa showbiz ni Christa ay isa sa mga dahilan dahil gusto niyang makatulong sa kanyang ina at mga kapatid

Sa case naman ni Emcelle Abuso (20), hindi umano supportive ang kanyang parents sa kanyang mga pangarap. Pero determinado siyang magtagumpay balang araw para rin ipakita sa kanyang parents na kahit hindi siya sinusupartahan ng mga ito, marami umano siyang mga pangarap na gusto niyang abutin.

“Siguro kapag nangyari `yun, mag-iiba ang tingin nila sa akin,” pahayag pa ni Emcelle na kasama rin sa pelikulang “Sugat sa Dugo”.

Wilbert

Wilbert isa sa pinaka-busy

ISA sa mga dating Hashtags member ang singer-songwriter, dancer and sexy actor na si Wilbert Ross sa pinaka-busy ngayon hindi lamang sa kanyang singing and recording career kundi bilang isa sa mga sexy actors ng Viva Films matapos siyang i-launch sa sexy-comedy movie na “Boy Bastos” nung isang taon. Since then ay naging sunud-sunod na ang kanyang pelikula tulad ng “Shoot! Shoot!,” “Crush Kong Curly,” “High on Sex” and his latest movie, ang “5 in 1” na dinirek ni GB Sampedro at kung saan din tampok sina Angela Morena, Rose Van Jinkel, Ava Mendez, Debbie Garcia at Jela Cuenca.

Natutuwa si Wilbert dahil kaya niyang pagsabayin ang kanyang singing and acting career. Karamihan kasi sa kanyang mga ginagawang pelikula ay siya rin ang kumakanta ng theme song.

Samantala, hindi rin niya ikinakaila na nami-miss niya ang kanyang mga (dating) kasamahan sa Hashtags, ang all-male dance group ng “It’s Showtime”.

“Sana nga makapag-reunion kami someday,” asam pa niya.

At 25, Wilbert admits na single pa rin umano siya hanggang ngayon dahil naka-focus umano ang kanyang attention sa kanyang trabaho.

“Hindi naman po ako nagmamadaling magkaroon ng girlfriend,” aniya.

Naniniwala rin ang singer at sexy-actor na kusa umano itong darating kung talagang ukol sila para sa isa’t isa.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE