Crime

Trike driver patay sa RIT sa Tarlac

September 1, 2023 Bernard Galang 291 views

ISANG tricycle driver ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng riding-in-tandem noong Huwebes sa San Manuel, Tarlac.

Kinilala ni PRO-3 director Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr. ang biktima na si Mark Anthony Galsim, 36, ng Bgy. Pindangan, Alcala, Pangasinan.

Ayon sa pulisya, binabagtas ng biktima ang kalsada malapit sa Bgy. San Narciso sa San Manuel, Tarlac nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek mula sa likuran ng ilang beses.

Agad na nagsagawa ng Oplan Kandado ang Tarlac police sa mga kalapit na lugar para habulin ang mga suspek.

AUTHOR PROFILE