dead

Trailer truck sumalpok sa poste, driver tigok

March 6, 2024 Edd Reyes 112 views

TIGOK ang isang tsuper habang malubhang nasugatan ang kanyang pahinante nang sumalpok ang minamanehong trailer truck sa poste ng Skyway Martes ng gabi sa Magallanes On Ramp sa Pasay City.

Patay na bago pa mahugot sa tumagilid na trailer truck ang hindi pa pinangalanang tsuper habang isinugod sa pinakamalapit na pagamutan ang kanyang pahinante na tulad ng kanyang driver ay halos maputol ang mga binti dahil sa pagkakaipit.

Sa pahayag ng pahinante ng trailer truck sa traffic investigator ng PNP-Highway Patrol Group (HPG), may nakagitgitan silang motorsiklo habang tinatahak ang southbound lane ng Magallanes On Ramp.

Sa pagnanais aniya ng driver na hindi masalpok ang motorsiklo, kinabig niya ang manibela na dahilan upang sumalpok sila sa poste ng Skyway.

Sa lakas ng pagkakasalpok, tumagilid ang trailer truck na may kargang tuna habang nayupi naman ang tractor head na naging sanhi ng matinding pagkaibit ng driver na agaran nitong ikinasawi.

Nagdulot naman ng matinding pagsisikip ng daloy

Nirerebisa na ng PNP-HPG ang kuha ng CCTV sa lugar na posibleng nakahagip sa nangyaring aksidente sa pagbabakasakaling matukoy ang motorsiklong sinasabing nakagitgitan ng nasawing tsuper ng trailer truck.

AUTHOR PROFILE