Estudyante Iniharap ni Police Lt.Col. Ness Vargas (kaliwa) ang naarestong suspek ng mga operatiba habang binabasahan ng nilalaman warrant of arrest para sa kaso nitong rape. Kuha ni JONJON C. REYES

Binata, 18, pasok sa selda dahil sa gahasa

March 6, 2024 Jonjon Reyes 88 views

INARESTO ng mga operatiba ng MPD Delpan Police station.12 ang isang 18 anyos na binata at estudyante na itinuring nasa talaan ng Top 3 Most Wanted Person sa Station Level dahil sa kasong rape sa Parola Comp.Tondo Manila Martes ng hapon..

Ayon sa report na ibinigay ni Police Lieutenant Col.Ness Vargas hepe ng MPD-Station 12, naaresto ang lalaki na nakilala sa alyas na Jhon,18 taong gulang mula Tondo, Maynila .

Matapos na magsagawa ng operation ang mga operatiba ng Warrant and Intelligence unit.sa pamumuno ni Police Capt.Genesis Aliling katulong ang mga elemento ng MICT-NAR PCP sa ilalim ni PCapt.Robelo Rabara.

Dahil sa isang impormasyon namataan ang suspek sa kahabaan ng Gate 20 Parola Compound Brgy 20 Zone 2, Tondo, Manila agad na nagtungo ang mga kapulisan sa nabangit na lugar bitbit ang mandameyento de aresto na inisyu ni Hon.Roy G Gironella ,Presiding Judge ,RTC Branch 43, Manila City.na may petsang Pebrero 24..

Dahil dito himas rehas na bakal ang estudyante na nahaharap sa kasong Rape at walang nakalaang piyansa laban sa suspek..

AUTHOR PROFILE