WHAT'S NEW

SEE ALL
Default Thumbnail

Top 1 MWP timbog sa kasong murder

December 15, 2021 Francis Naguit 233 views

NO bail ang inirekomenda ng korte sa most wanted person sa District level matapos malambat ng Manila Police District (MPD) at ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) dahil sa kasong pagpatay nang mamataan ito Martes ng gabi sa Sampaloc, Manila.

Kinilala ni P/ Brigadier General Leo ” Paco” Francisco ang suspek na si Augusto Raul Flores, aka ” Ogie”, jobless, may asawa, ng 844 Antipolo St., Barangay 521 Zone 52 , Sampaloc, Manila.

Batay sa ulat ni P/ Major Cicero Pura , hepe ng District Special Operation Unit ng MPD , P/ Major Edward Samonte ng Special Mayor’s Reaction Team ( SMaRT) at P/ Major Emmark
Dave Apostol ng Regional Invwstigation Unit ng NCRPO, kasama ang kani kanilang tauhan ng arestuhin si Flores sa panulukan ng España Boulevard at Kundiman St.sa Sampaloc.

Sa report ng pulisya, bandang 10:30 p.m. nang mamataan ang suspek sa lugar dahil na rin sa isang impormante sa kinaroroonan nito.

Dahil dito isinilbi ang arrest warrant na inisyu ni Judge Emily Reyes Aliño- Geluz, ng Regional Trial Court, Branch 255 ng Las Pinas City.

Mahigit anim na taong nagtago sa batas si Flores. Francis Naguit & Jonjon Reyes

AUTHOR PROFILE