Tony

Tony, iniyakan ang kasong acts of lasciviousness

November 28, 2022 Vinia Vivar 321 views

Ibinahagi ni Tony Labrusca na iniyakan niya talaga ang kasong acts of lasciviousness na isinampa sa kanya ng isang babae last year.

Dumating pa raw siya sa puntong nagalit siya kay God dahil alam niya na wala siyang ginawa.

Sa kanyang panayam kay Ogie Diaz, binalikan ni Tony ang panahong iyon na pumupunta siya sa korte para sa hearing at kung paano siya manginig sa takot.

“Sobrang grabe, hindi ako makapaniwala sa experience na ‘to,” pagbabahagi niya. “’Yung feeling ‘pag nandu’n ka na sa court. Kasi public siya, so nandu’n ka sa court.

“Nandu’n ako, nakatayo sa harapan nu’ng judge. Ang daming tao sa paligid ko. Sa sobrang takot, tapos sa sobrang lamig ng kwarto, nginig ako nang nginig. Kinukontrol ko ‘yung sarili ko. Pero hindi talaga.

“As in nginig ako nang nginig. Parang aso na takot sa ulan or kidlat,” kwento niya.

“Each time, paglabas ko sa court, kailangan kong dumiretso sa CR, tapos iiyak ako. Ayokong makita ng mga tao. Tapos nagagalit ako kay God, kasi wala akong ginawa, alam kong wala akong ginawa.

“Tapos tinatanong ko Siya, ‘bakit ito nangyayari sa akin? Na sobrang feeling ko, para na ‘kong animal diyan,” pahayag ni Tony.

Ang masaklap pa raw ay walang naniniwala sa kanya that time. Pero nang nanalo siya ay wala raw halos pumansin.

Matatandaang noong Abril nitong taong ito ay na-dismiss ang kaso laban sa kanya kaya naman talagang vindicated siya nang bonggang-bongga.

Nang time na nanalo siya ay gusto niyang balikan ang mga taong nambash sa kanya at nagsalita nang masama laban sa kanya.

Gusto niya raw isampal sa mga ito na panalo siya. Pero nang matapos na ang kaso ay hindi na raw niya ito ginawa.

“Pagkatapos ng kaso, alam mo sabi ko, it doesn’t f*cking matter anymore,” aniya.

In the end, may dapat pa rin daw siyang ipagpasalamat because nang dahil sa kasong ito ay marami siyang natutunan.

“It taught me a lot of humility. Sobrang proud ako sa sarili ko, Mama Ogs, kasi ang dami kong nakitang article. Ang dami kong nakikita na mga post nila na grabe ‘yung pag-bash sa akin.

“Tapos kinaya ko pala na wala akong sinabi, hindi ako nag-retaliate. It feels so much better pala to get to the finish line knowing that you didn’t stoop down to their level,” he said.

“Sometimes, kailangan lang nating maging patient kasi the loneliest road is often the most gratifying one,” wika pa ng aktor.

AUTHOR PROFILE