Tondo folk panatag sa pamamalakad ng MPD PS-1
KUMPORTABLE at panatag ang kalooban ng mga mamamayan ng tundo sa pamamalakad ng itinalagang station commander ng Raxabago MPD PS.1 na si Police Lt.Col.Roberto Mupas dahil sa sunod-sunod na naging aksyon nito laban sa mga kriminal, partikular na sa kahabaan ng Mel Lopez Blvd na dating Road 10 sa Tondo,Manila.
Anila payapa ang Tondo dahil sa patuloy na pagpapairal ng mga anti-criminality campaign ni Mupas kasama ang kanyang mga Kapulisan at mga PCP Commanders. Kabilang na dito ang foot at bike patrols lalo na sa mga lugar na laganap ang krimen.
Lubos ang pasasalamat ng mga taga-Tondo lalo na ang mga residente sa Mel Lopez Blvd sa kapulisan dahil nawala na ang mga jumper boys, snatchers,holdaper at mga kabataan na sumisinghot ng solvent sa kahabaan ng Road 10.
Patuloy din ang isinasagawang operasyon ng mga operatiba ng MPD PS1 laban sa ipinagbabawal na gamot kung saan kamakailan ay nakahuli sila ng apat na katao na may kinalaman sa ilegal na droga a magkahiwalay na lugar. Nitong Sabado ng gabi natimbog ang tatlong katao kabilang ang dalawang babae na may kinalaman sa ilegal na droga,.
Ang buy bust ay pinangunahan ni PLt.Jomar De Belen sa Upper Smokey Mountain kung saan narekober ang mahigit kumulang na 50 gramo na hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P340.000.00. Arestado rin ang isang lalaki na may dalang pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P40,000 sa Herbosa corner Lacson Streets sa Brgy 109, Tondo,Manila, madaling araw ng Miyerkules.
“Sisikapin namin na mapanatili ang kaayusan at katahimikan ng Tondo,dahil sa iniatang sa amin ni Dating MPD Chief PBGen. Andre P.Dizon na sugpuin ang mga kriminal at panatilihin ang kapayapaan sa aming Area of Responsibility.Lalo pa namin papaigtingin ang mga operasyon sa tulong ng mga mamamayan ng Tondo upang sa gayon ay patuloy na maging tahimik ang mga batang Tondo,” ani Mupas.
Binati din ni Mupas ang bagong MPD chief na si Police Col. Arnold Thomas Ibay sa pagkakatalaga nito bilang bagong District Director sa isinagawang turnover ceremony sa MPD Headquarters..