Tom

Tom, naaawa kay Carla sa pag-aasikaso sa kasal

August 24, 2021 Vinia Vivar 279 views

Tuloy na tuloy ang kasal nina Tom Rodriguez at Carla Abellana sa October 23 kaya timing din ang season breaker ng The World Between Us kung saan ay isa nga sa main cast ang aktor.

Aminado naman si Tom na talagang mahirap ang pag-aasikaso ng kasal lalo na ngayong pandemic at naaawa nga siya kay Carla dahil ito talaga ang nakatutok habang nagtatrabaho rin.

“Ako nagta-try tumulong pero syempre, minsan, sablay ‘yung mga contribution natin,” natatawang sabi ni Tom sa virtual mediacon ng TWBU the other day.

“Pero tina-try namin and gusto ko lang sana, hindi na mahirapan nang todo si misis. Nakakaawa, awang-awa na ako sa kanya,” sey niya.

Natanong nga kung ano ang plano nila pagkatapos ng kasal at sagot ni Tom, gagawa raw agad sila ng baby.

Ito raw ang ni-request niya sa future misis.

“Buti napapayag ko. Para makadalawa pa kami,” sey ni Tom.

Ibig bang sabihin nito ay magpapahinga muna si Carla sa showbiz?

“Nasa sa kanya ‘yun. Feeling ko naman it will be ano, eh… like sinabi niya rin naman she wants to focus on being a mother and at the same time, hindi niya maaalis sa sarili niya na mahal niya ‘yung craft, mahal niya ‘yung trabaho niya, nasa sa kanya ‘yun,” ani Tom.

Madali naman daw pag-usapan if ever kung paano sila mag-a-adjust kapag may pamilya na sila. Pwede raw silang magsalitan sa paggawa ng proyekto.

Pero never daw niyang ide-demand na tumigil sa pag-aartista si Carla dahil nakilala raw niya ito ay artista at parte rin ‘yun ng minahal niya sa kanyang misis (to-be).

AUTHOR PROFILE