Ely

Kanta ni Ely, gumawa ng ingay

August 24, 2021 Vinia Vivar 316 views

Winner ang political song na Metro ni Ely Buendia, ang dating frontman ng Eraserheads, isa sa mga pinaka-iconic OPM band sa bansa.

Gumawa ng ingay ang nasabing awitin na may kaugnayan sa pagpili ng susunod na lider ng bansa sa 2022.

Unang ginamit ang Metro sa We Need A Leader, 2022, isang movement na nananawagan para sa mahusay na pagpili ng susunod na lider ng bansa sa 2022 elections.

Matapang ang laman ng mensahe ng kanta ni Ely.

Tulad ng linyang “mga abuso sa kapangyarihan at maling pamamalakad ang sagabal sa kaunlaran,” “kapatid ‘di pa ba nagsasawa? Tumatakbo ang metro. Isa lang ang iyong pagpipilian. Pangulo ba o pang gulo?”

Sobrang napapanahon din ang lyrics na “panahon na upang imulat ang mata sa katotohanan. Pandemya at kawalan ng kabuhayan. Asan na ang nawawalang lupa’t pera? Bagsak ang ekonomiya.

Di ka ba nagtataka?Pinunong may talino, puso at tapang. Ito ang kailangan ng ating bayan.”

Ngayong Agosto, muling lumabas ang video ng kanta ni Ely.

Pero sa pagkakataong ito, makikita na ang pangalan at larawan ni Senador Ping Lacson, na tatakbong pangulo sa 2022, at suportado siya ng We Need A Leader, 2022, movement.

AUTHOR PROFILE