John

John balik-Dos matapos mag-walkout si Ellen

August 24, 2021 Aster Amoyo 537 views

CocoJulsNAGSIMULA nang mapanood ang character ni Julia Montes as Mara sa top-rating and longest-running action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin na isa rin sa mga co-directors ng serye. Unang napanood si Mara na nagmo-motorsiklo pero hindi pa alam kung sino at kung ano ang magiging ugnayan nito kay Cardo Dalisay sa FPJAP.

Ang pagpasok ni Julia sa FPJAP ay senyales ng pagtungtong ng serye sa kanyang ika-anim na taon at base sa teaser, si Mara (Julia) na umano ang magiging huling pag-ibig ni Cardo (Coco).

Kung tutok ang mga tagasubaybay sa pagpasok ni Mara sa FJPAP at iba pang mga bagong miyembro ng cast, exciting din ang pagpasok sa serye ng nagbabalik-Kapamilya na si John Estrada na huling napanood sa primetime TV series na “The Good Son” nung 2018 at pagkatapos nito ay lumipat siya ng GMA.

Thankful si John kay Coco at sa bumubuo ng programa. Ito bale ang pangatlong beses niyang makakatrabaho in a TV series si Coco na una niyang nakasama in 2011 sa “Minsan Lang Kita Iibigin” na sinundan in 2014 sa seryeng “Ikaw Lamang”.

Gumawa rin ng sitcom si John, ang “John en Ellen” which he line-produced for TV5. Nagtapos na ito sa ere matapos `mag-walk out’ sa taping ang co-star ng programa na si Ellen Adarna.

AUTHOR PROFILE