Default Thumbnail

‘Tirador’ ng mountain bike huli sa akto, kulong

February 5, 2023 Jonjon Reyes 285 views

BINITBIT ng dalawang barangay tanod ang isang 40-anyos na lalaki nang maaktuhang sinisira umano nito ang padlock ng isang mountain bike na nakaparada sa tapat ng bahay sa Arellano Street, Barangay 627, Sta.Mesa, Manila, sabado ng madaling araw

Nakilala ang suspek na si Shondell Ongkingco alyas Shon, binata, miyembro umano ng Sputnik Gang, jobless, ng Altura Street, Sampaloc, Manila.

Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Dionelle Brannon, Manila Police District – Sta.Mesa

Police Station 8 commander, bandang 4:17 a.m. nang maispatan ang suspek sa harap ng bahay ng isang Call Center Agent sa Barangay 627 sa nasabing lugar.

Dalawang tanod ang kasalukuyang nagroronda sa Area ng Altura nang mamataan nila ang suspek na kinakalas ang padlock ng bisekleta.

Agad nagpasaklolo ang mga tanod sa MPD- Avelino Police Community Precinct sakop ng Station 8.

Dito na pinosasan ang lalaki at saka dinala sa loob ng Barangay Hall upang maiblotter.

Narekober sa suspek ang isang Asbike mountain bike na nagkakahalaga ng P15,000, isang long nose at bicycle chain lock .

Sumailalim ang suspek sa physical examination sa Ospital ng Sampaloc bago itinurn over sa presinto. Ito ay nahaharap sa kasong paglabag sa Article 292 ng Revised Penal Code (robbery).

AUTHOR PROFILE