Tiktok

TIKTOK STAR OF THE DAY

August 16, 2023 People's Tonight 203 views

Tiktok1Tiktok2Tiktok3Isa si Ayanna Misola sa mga seksing influencer/actress na may pinakamaamong mukha.

Sa edad na 21, nagmarka agad siya sa netizens bilang emerging actress sa daring roles tulad ng ginampanan niya sa mga pelikulang Putahe, Bula, Bugso, Kinsenas Katapusan at Ang Babaeng Nawawala sa Sarili na pawang napanood via streaming sa Vivamax.

Sa TikTok world, iba-ibang aspeto ng personalidad ni Ayanna ang nasisilayan at nakikilala ng kanyang mahigit kalahating milyong followers.

Kaya naman hindi kataka-taka na humamig ang kanyang short video posts ng tumataginting na 2.8M likes.

AUTHOR PROFILE