Kristel

DJ Karen, bina-bash ng fans ni Kristel

August 16, 2023 Vinia Vivar 183 views

Naging emosyonal ang actress/singer na si Kristel Fulgar habang ikinukwento sa kanyang vlog kung bakit bigla siyang kinansela bilang host ng fan meet ng sikat na Korean star na si Seo In Guk sa New Frontier Theater.

Simula ni Kristel, in her 20-year showbiz career, ngayon lang niya naranasan ito.

“First time kong naka-experience ng ganitong scenario sa 20 years ko sa industriya ng entertainment. Nandito na ako 7 a.m. nag-rehearse and then, eventually, sinabihan ako ng (Korean technical) director na hindi na raw ako ang magho-host,” teary-eyed na kwento ni Kristel.

“Parang ‘huh?’ Sandali lang naman, parang ano nangyari? Parang ang tagal ko ‘tong prinepare, ang tagal ko prinepare ‘yung sarili ko dito and…,” mangiyak-ngiyak pa niyang lahad.

“Wala akong ibang tinanggap na hosting kung hindi ito lang event na ‘to. Kasi nga, dahil para kay Seo In Guk. Alam ko, hindi naman ako super expert sa hosting, pero alam ko na kaya kong kumonek sa mga kapwa ko fans ni Seo In Guk. Kaya yun talaga ang pinakagusto ko,” aniya pa.

Inamin niya na matagal na siyang fan ng nasabing Korean actor na napanood sa mga K-drama na “Reply,1997,” “Café Minamdang,” “Doom at Your Service,” “The Smile Has Left Your Eyes” at marami pang iba.

“Eleven years akong fan ni Seo In-guk kaya kahit hindi ko forte ang hosting, tinanggap ko ‘to kasi tinitingnan ako as representative ng mga fans ni Seo In-guk. So, hindi lang ako basta magiging host sa stage, kundi magiging fan ako,” sabi niya.

“Since rehearsal ‘yun, hindi ako sanay na ibigay ‘yung 100% energy ko. So, kung nakulangan sila sa energy dun the rehearsal, sabi ko po, ‘I will do my best’

“Nag-e-expect ako na ipapaakyat ulit ako sa stage para mapakita ko ‘yung 100% na sinasabi ko, pero hindi raw,” patuloy ni Kristel.

And right that moment ay kumontak na raw ng ibang host ang team ng fan meet.

“Hindi man lang ako binigyan ng second chance para mapatunayan ‘yung sarili ko,” ani Kristel.

Kasunod nito ay emosyonal na nag-sorry ang dalaga sa kanyang fans and supporters.

“At nahihiya ako sa mga taong nag-expect na ako ‘yung haharap sa kanila. I’m so sorry, guys. Alam ko na may mga fans ako, supporters na bumili ng ticket para mapanood ako sa stage. Para mapakita ko ‘yung kilig ko kapag nasa stage na ako with Seo In Guk, pero hindi ko ‘yun maibibigay,” kwento niya.

Ang DJ na si Karen Bordador ang humalili kay Kristel bilang host.

Sa kabila nito ay thankful pa rin si Kristel na na-meet niya ang kanyang idolo at binigyan siya ng opportunity na magkaroon ng one-on-one interaction dito.

Makikita nga sa kanyang Instagram account ang interaction nila ng nasabing Korean heatthrob, nag-duet pa sila ng kantang “All of You,” at nakapagpa-picture pa siya. Bukod dito ay pinaupo pa siya sa front seat para manood.

Samantala, ang fans ni Kristel ay galit na galit kay Karen at bina-bash ngayon ang DJ dahil sa nangyari.

AUTHOR PROFILE