Marian

Marian Rivera patok sa TikTok ang dance moves

August 16, 2023 People's Tonight 312 views

MULING ipinamalas ni Primetime Queen Marian Rivera ang husay niya pagdating sa pagsayaw sa bago nitong upload na dance challenge sa TikTok.

Makikita ang “Marimar” actress na humahataw sa isang TikTok dance challenge na “It’s Plenty” ng Nigerian singer na si Burna Boy. Suot ni Marian ang isang cap, black t-shirt at sweatpants habang ipinapakita ang kanyang angas at galing sa pag-indak.

“‘Plenty’ of (heart emoji) for all of you…” saad ni Marian sa caption ng kanyang TikTok video.

Patok na patok sa netizens ang nasabing dance challenge at viral na nga ngayon na meron nang 18.3 million views at 3.8 million likes 16 na oras matapos itong i-upload ng aktres.

Inulang muli ng mga papuri’t komento ang TikTok video na ito ni Marian mula sa netizens. Narito ang ilang komento na nakalap:

“Grabe Ang smooth talaga gumalaw ng Isang marimar.”

“Iba talaga ang isang Marian Rivera! Bakit pati ulo at balikat ko sumusunod sa galaw ng cam.”

“Iba talaga pag marian Rivera ang gumalaw.”

“The one and only Marian Rivera.”

“DI KO PA NGA NAGAGAWA YUNG ISA MS MARIAN EH.”

“Ayan na naman siya. Sa pricetag nga hirap na hirap ako sayawin ‘yon, ito pa kaya. Hanggang nuod na lang talaga ako.”

“Why do I feel like the world is healing just watching my fav actress dance that I can’t deny I can see marimar.”

Nauna nang umingay ang ngalan ni Marian sa social media platform na TikTok matapos niyang magbalik doon sa pamamagitan ng pagbabahagi ng isa ring dance challenge sa kantang “Price Tag.”

Pumatok din ito sa netizens na meron na ngayong 91.3 million views at 9.8 million likes limang araw matapos niya itong i-upload.

AUTHOR PROFILE