Tiktok

TIKTOK STAR OF THE DAY

May 26, 2024 People's Tonight 95 views

Tiktok1Tiktok2Tiktok3Tiiktok4MAPAPA-KANTA ka na nga lang talaga ng “Shimmie shimmie Ko Ko Bop, I think I like her” kapag nakilala mo na ang TikTok star na si Sheemmy Ferrer.

Mahusay magpangiti ang social media star dahil sa mga ibinabahagi niyang contents. Sa TikTok account pa nga lang niyang @sheemyferrer, may dalang aliw ang mga lip syncing videos niya.

Talagang nakaka-relate ang kanyang followers sa mga point of view videos, at nahuhumaling naman sa kanyang kagandahan kapag umaawra na sa camera.

Sa Instagram din ay hindi pahuhuli si Sheemmy, walang halong “keme” ang alindog niya. Sa account niyang @sheemmyferrer, maswerte ang kanyang 166 thousand followers sa kasalukuyan na matunghayan ang kanyang lifestyle sa nasabing social media platform.

Bukod sa beauty, kayang-kaya ring makipagsabayan ng TikTok star pagdating sa paseksihan. Isa rin siyang model at car show girl.

Nakakahawa ang kanyang mga ngiti. Good vibes ang dala niya sa netizens. Isa ito sa dahilan kung bakit patuloy ang kanyang pagkinang sa digital world.

AUTHOR PROFILE