Tiktok4

TIKTOK STAR OF THE DAY

June 15, 2024 People's Tonight 118 views

TiktokTiktok1Tiktok2Tiktok3KAKAILANGANIN mo nga ng umbrella kapag ang TikTok star na si Ella Arriola na ang nagpaulan ng kanyang charm at charisma sa social media.

Mahusay magpangiti ang social media star dahil sa mga ibinabahagi niyang contents. Sa TikTok account pa nga lang niyang @yourannalise, may dalang aliw ang mga lip syncing videos niya.

Talagang nakaka-relate ang kanyang followers sa mga viral sounds na kanyang ginagamit, at nahuhumaling naman sa kanyang kagandahan kapag umaawra na sa camera.

Hindi rin papahuli ang digital creator humataw sa pagsayaw. Mabenta rin ang kanyang mga dancing videos sa nasabing video-sharing app.

Sa Instagram din ay hindi pahuhuli si Ella. Walang halong “keme” ang alindog niya. Sa account niyang @ella.arriola, maswerte ang kanyang 101 thousand followers sa kasalukuyan na matunghayan ang kanyang lifestyle sa nasabing social media platform.

Bukod sa beauty, kayang-kaya ring makipagsabayan ng TikTok star pagdating sa paseksihan. Kabogera ang pag-agos ng brand partners ni Ella.

Nakakahawa ang kanyang mga ngiti, good vibes ang dala niya sa netizens. Isa ito sa dahilan kung bakit patuloy ang kanyang pagkinang sa digital world.

AUTHOR PROFILE