Tiktok2

TIKTOK STAR OF THE DAY

June 13, 2024 People's Tonight 152 views

TiktokTiktok1Tiktok3Tiktok4WALANG halong “charot” ang pag-awra ni Charina sa TikTok.

Bakas ang beauty sa kanyang mukha sa mga beauty videos na ginagawa ni Charina Ignacio Felipe sa social media.

Ang kanya ngang TikTok account na @changcharog, banayad kung ibandera niya ang kanyang karisma. Mapapanood ang paggamit niya sa mga nag-viral na kanta habang makikita siyang simpleng nagbibida ng kariktan.

Sa Instagram naman kung saan pinaka-aktibo ang digital creator, nae-enjoy ng kanyang halos 200 thousand followers ang lifestyle post ni Charina.

Ang account niyang @changcharog2 sa nasabing social media platform, matutuklasan ang “nice view” na kayang ihain ng bebot. Bukod sa magagandang napupuntahan niyang lugar, winner din sa bikini ang ganda ng hubog ng kanyang katawan at kakinisan.

Pasabog din ang mga selfie niya at pagiging fashionista sa social media.

AUTHOR PROFILE