Tiktok

TIKTOK STAR OF THE DAY

December 3, 2023 People's Tonight 101 views

Tiktok1Tiktok2Tiktok3Tiktok4SHE captivates everyone with her smile, sexyness, and charisma. That girl, named Hannah. Ang TikTok star na ito ay tila hindi papakabog pagdating sa pagpukaw ng atensyon ng netizens dahil sa angkin niyang kinang.

Si Hannah Vergara o kung minsan ay kilala rin ng kanyang mga social media followers bilang “Honeybee” ay isang TikTok sensation at content creator na sumasabay sa pamamayagpag ng iba sa nasabing social media platform.

Sa kasalukuyan, ang TikTok star ay mayroong higit 18 thousand followers at halos 100 thousand likes sa kanyang account na may username na @itshanaby. Bukod pa rito, sinusubay-bayan din ng netizens ang dalaga sa account niya sa Instagram na may username na @__hannahvergara, na mayroon nang higit 17 thousand followers sa kasalukuyan.

Ibinabandera ng TikTok star ang kanyang angking ganda, perfect body and skin, at lifestyle videos sa kanyang social media dahilan para magningning ang kanyang ngalan.

Todo flex din si Hannah sa kanyang pagiging dog lover. Ibinibida niya sa ibang contents ang kanyang alagang aso na si Sushi.

Ang pangunahing sandata man ng TikTok star ang kanyang perfect body, beauty, at skin ay ‘di maipagkakailang unti-unting nakikilala ang ngalan ni Hannah sa mundo ng social media bilang digital creator at ilan nga sa mga ebidensiya nito ang umaagos na suporta sa kanya ng mga tagahanga.

AUTHOR PROFILE