Maja

Maja buntis na at 35

December 3, 2023 Aster Amoyo 180 views

Maja1MASAYANG-masaya ang mag-asawang Maja Salvador at Rambo Nunez dahil magiging brand new parents na sila to their first baby matapos nilang i-share sa kanilang respective IG accounts ang pagbubuntis ngayon ng 35-year-old singer, actress, dancer and entrepreneur.

The couple got engaged nung April 2022 na sinundan ng kanilang intimate wedding in Bali, Indonesia nung July 31, 2023.

Talagang itinadhana para sa isa’t isa sina Maja at Rambo who crossed paths again in 2018 matapos nilang maghiwalay in 2010.

Although sa isang taon pa nakatakdang isilang ang first baby ng mag-asawang Maja at Rambo, ito na bale ang kanilang advance Christmas gift.

Nagsara na ang telon para kay Mr. Shooli

ShooliShooli1TULUYAN nang nagsara ang telon para sa veteran actor-comedian, director, writer, advertising creative at producer na si Jun Urbano (Manuel Conde, Jr.) na mas kilala sa kanyang pinasikat na character bilang si “Mr. Shooli” ng “Mongolian Barbebue,” isang political satire TV show na ginawang pelikula, nitong nakaraang Sabado, December 1, 2023 sa edad na 84.

Si Jun ang panganay na anak ng yumao na ring National Artist for Film na si Manuel Conde, Sr. who was also an actor, director and producer.

Jun also directed over 2,000 TV commercials. He created his character na “Mr. Shooli” sa kanyang political satire program na “Mongolian Barbecue” na ginawa ring pelikula

In 2018, si Jun ay sumailalim ng quintuple heart bypass operation at nagkaroon siya ng chronic obstructive pulmonary disease.

Nito lamang nakaraang October 2023 ay ginawaran si Jun ng Gawad Plaridel, ang pinakamataas na parangal mula sa University of the Philippines at ito’y may kinalaman sa kanyang social commentary sa pamamagitan ng kanyang character na Mr. Shooli at ang kanyang naging kontribusyon in multi media.

Bukod sa kanyang TV show na “Mongolian Barbecue” at pagiging bahagi ng “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin, si Jun ay nakagawa rin ng maraming pelikula tulad ng “Juan Tamad at Mister Shoolie: Mongolian Barbecue” which he directed, co-wrote with Ricky Lee and co-starred with Eric Quizon. Ginawa rin niya ang “M.O.N.A.Y. ni Mr. Shooli (Misteyks Opda Neysion Adres Yata)” na ipinalabas nung 2007. His other movies include “Siete Infantes de Lara,” “Si Juan Daldal: Anak ni Juan Tamad,” “Mongolian Barbecue,” “Magic Kingdom: Ang Alamat ng Damortis,” “Sugapa,” “Everyday I Love You,” “Kid Kulafu,” “ABCs of Death,” “I Do Miss You Like Crazy” at iba pa.

Paalam, Direk Jun and his alter ego na si Mr. Shooli.

Don Manolo pumanaw na rin

ManoloManolo1ISANG araw bago pumanaw ang veteran actor-comedian, TV and film director, producer and TV commercial director na si Jun Urbano, nagpaalam na rin ang radio broadcast icon na si Manolo Favis nung December 1, araw ng Biyernes sa edad na 84.

Isa si Manolo sa itinuturing na “Golden Voice of Philippine Radio” na nagsimula sa kanyang radio career in the early `70s.

Nung 1971, nakasama niya si Baby O’Brien sa isang nightly program on Channel 2, ang “On with the Show” at regular siyang napapakinggan noon sa DZXL na sa kalaunan ay ginawang DZMM after Martial Law. He also anchored a late night show on DZBB ng GMA mula 1989 to2020 bago siya lumipat sa Radyo La Verdad 1350 ng UNTV para sa kanyang programanang “Ito ang Inyong Lingkod, Don Manolo” na kanyang sinimulan nung 2020 hanggang sa kanyang pagpanaw.

Naging bahagi rin siya noon ng radio live show na “Operetang Putol-Putol” nung dekada sitenta na binubuo ng mga kabataang artista at mang-aawit.

ABS-CBN nakikiusap para sa KathNiel

KathnielANG hottest love-team at longtime sweethearts na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ay parehong home-grown stars ng ABS-CBN at Star Magic kaya naglabas sila ng official statement na may kinalaman sa recent break-up ng dalawa.

“ABS-CBN management and Star Magic respect and understand the mutual decision of Kathryn Bernardo and Daniel Padilla to part ways.

“Let’s respect their statements and refrain from adding more to what was already said or create fake news. They have not done any interviews or issued any statements as they have already expressed their sentiments on their social media accounts.

“We ask everyone to respect them and allow them to heal and move on.

“ABS-CBN manangement and Star Magic remain steadfast in our unwavering support for Kathryn and Daniel.”

Sen. Lito nasa puso pa rin ang showbiz

NANANATILING malapit sa entertainment media ang veteran action star at politician na si Lito Lapid. He makes it a point na naglalaan siya ng panahon with the entertainment media tulad na lamang sa kanyang maagang Christmas get-together with them kamakailan lamang.

Aware si Sen. Lito na malaki ang naitulong sa kanya ng entertainment media nung nagsisimula pa lamang siya sa kanyang showbiz career in late `60s maging sa kanyang pagpasok sa pulitika nung 1992 nang tumakbo siya bilang vice-governor ng Pampanga.

Nakasama ni Sen. Lito ang dating film producer ng Mirrick Films na si Jessie Chua who produced quite a number of the actor-politician’s hit movies na kanyang sinimulan sa “The Jess Lapid Story” in 1978. But it was in 1988 nang gawin ni Sen.Lito ang “Leon Guerrero” movie na unang tumatak sa kanya bilang action star.

Hindi ikinakaila ng actor-politician na nagsimula umano siya sa showbiz bilang stuntman hanggang mabigyan siya ng break bilang action star.

Si Sen. Lito ay pamangkin ng namayapang action star at director na si Jess Lapid, Sr.

Having been in the industry for the last 55 years, Sen. Lito credits Coco Martin as the prime mover para unti-unting maibalik ang action genre sa telebisyon na kanyang sinimulan sa “FPJ’s Ang Probinsyano” na tumagal sa ere ng walong taon at ngayon ang “FPJ’s Batang Quiapo” kung saan pareho kasama sa cast si Sen. Lito.

The soft-spoken actor-politician is now serving his last term bilang senador pero hindi pa umano niya alam kung muli siyang tatakbo sa ibang posisyon o tuluyan na niyang haharapin ang kanyang showbiz career which took the back seat nang pasukin niya ang pulitika.

It was Coco who paved the way para maging aktibong muli si Sen. Lito sa kanyang showbiz career nang isama niya ito sa “FPJ’s Ang Probinsyano” at ngayon sa “FPJ’s Batang Quiapo” where he also help as fight director.

Si Sen. Lito ay may apat na anak sa kanyang misis na si Marissa Tadeo-Lapid with Mark Lapid as eldest. May isa rin siyang anak sa actress at dating beauty queen na si Melanie Marquez na si Manuelito at ang young Kapuso actress na si Ysabel Ortega sa dating “That’s Entertainment” singer-actress na si Michelle Ortega.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X (Twitter)@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE