Kathniel

ABS-CBN at Star Magic, buo ang suporta’t pagmamahal kina Kathryn at Daniel

December 3, 2023 Ian F. Fariñas 124 views

NAGLABAS ng opisyal na pahayag ang ABS-CBN at Star Magic kaugnay ng mainit na pinag-uusapang hiwalayan ng Kapamilya stars na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Ayon sa joint statement na in-e-mail sa entertainment press nitong Sabado, nirerespeto at nauunawaan ng management ang naging desisyon ng KathNiel.

Nakiusap sila na respetuhin na lang ang inilabas na pahayag ng dating magdyowa sa social media at ‘wag nang makigulo pa.

“Igalang natin ang mga pahayag nila at huwag na nating dagdagan, bigyan ng ibang kahulugan, o gawan ng kwento at fake news.

“Wala sa kanila ang nagbigay ng interview o bagong statement dahil nasabi na nila ang kanilang saloobin sa kanilang social media accounts.

“Hiling namin na galangin ang bawat isa sa kanila para makatulong sa kanilang paghilom at pag-move on.

“Mananatili ang taos-pusong suporta at pagmamahal ng ABS-CBN management at Star Magic kina Kathryn at Daniel,” ang laman ng kabuuan ng joint statement.

AUTHOR PROFILE