Paolo

Paolo, umaming binalewala ang ina

December 3, 2023 Ian F. Fariñas 101 views

GUSTONG bumawi ni Paolo Contis sa pangbabalewalang ginawa niya sa mommy niya bago ito ma-stroke.

Sa grand mediacon ng bagong movie niya na Ikaw at Ako under Viva Films, tinanong si Paolo kung kanino niya gustong sabihin ang linyang “ikaw at ako.”

Ang walang kagatul-gatol niyang sagot ay, “Sa nanay ko.”

Paliwanag ng aktor, “Kasi, hindi, ‘eto totoo. Naniniwala ako na nu’ng panahon na okay siya, nu’ng panahon na wala pa siyang stroke, I really took her for granted. I took her for granted. Ano ka, eh, anak ka, eh. Lahat naman ng anak ganu’n. Ay, hindi ko nilalahat, sorry. Ako siguro, lalo nanay ko stage mother, ‘di ba? Dumating ‘yung point na kasama siya sa set, naiirita ka. Mali, alam mo ‘yon? Lahat ‘yun naiisip mo ‘yon. And feeling ko, may race akong kailangan matapos bago siya mawala sa mundong to. Na kailangan mapa-feel ko sa kanya na mahal na mahal ko siya. So I believe kailangan ko ‘yon maano sa kanya, sa mommy ko, especially I dont have a father anymore. My dad died 10 years ago. So ako na lang at saka ‘yung kuya ko ang meron siya. So dapat kami ng kuya ko, ‘kami at ikaw.’”

Marami nga raw siyang dapat ipagpasalamat, sey pa ni Paolo, lalo na ngayong sobrang blessed at busy ang career niya.

Bukod sa pelikulang Ikaw at Ako, regular siyang napapanood sa Eat Bulaga ng TAPE, Inc., Bubble Gang ng GMA at kung anu-ano pa.

“I’m very thankful, I’m very blessed with what I have. Some would say I don’t deserve the blessings, maybe not. But at least I got it. And I’m making sure na masulit ko ‘yon at maipakita ang pasasalamat ko sa Panginoon by doing my best to pay it forward, to bless other people. Siguro thankful din ako sa fact na ‘yung industriya na pinagtatrabahuan ko ay binibigyan ng importansiya ‘yung professionalism ko at hindi ‘yung personal kong problema and I’m very thankful for that. Because professinally, I believe I really work my ass off. They get what they pay for. I make sure of that and I’m very thankful na nakikita nila ‘yon,” diin ni Paolo.

Samantala, kasama niya sa Ikaw at Ako sina Rhian Ramos, Boots Anson-Rodrigo, Ronaldo Valdez, Fatima Mislang, James Ezekiel Ignacio, atbp.

Sa direksyon ni Rechie del Carmen, mapapanood ito sa mga sinehan nationwide simula December 6.

AUTHOR PROFILE