Mark

Daboy, matagal at mahirap magpatawad — Mark Anthony

December 3, 2023 Ian F. Fariñas 111 views

MAY 15 years nang namamayapa ang ama niyang action star na si Rudy “Daboy” Fernandez, pero hanggang ngayon, puro fond memories pa rin ang meron si Mark Anthony Fernandez at proud na anak siya nito (sa dating karelasyong si Alma Moreno).

“Para sa akin, ano ako, eh, pwede mo na akong burahin sa lahat ng Bibliya pwera ‘yung proud son. Kumbaga, bidang-bida sa akin ang tatay ko. Kahit hindi na ako maging Abraham, David o iba pang characters doon, pwede na ko sa proud son. Wala akong masasabi sa tatay ko, pero nu’ng minsang nagkroon ng flaw, talagang kung ima-microscope mo, ang Papa ko ‘pag nagkamali ka sa kanya, matagal kang mapatawad. Mahirap siyang magpatawad. Mapapatawad ka niya pero ‘yung patawad na patawad, halos kailangan nga ‘wag kang nagkamali. So ‘yun ‘yung isang flaw niya as a human sa tingin ko na kung may microscope, ‘yun ang masasabi ko. Pero kung ako na ‘yon, hindi ko alam kung ganu’n kasi siyempre nananaig pa rin sa akin ‘yung mga santo, Bibliya. Pero ‘yung looks, nasa akin. Pinipilit kong maging kamukha niya. Kumbaga, ‘yung hairdo, ganu’n din. ‘Yun po,” pag-alaala ni Mark kay Daboy sa media conference ng bagong movie niya na Para Kang Papa Mo.

Aktibo ngang muli si Mark sa limelight ngayon dahil gusto umano niyang bumawi sa pag-aartista.

“Katulad sa (Pedro) Penduko, suportahin din po natin, guest naman po ako du’n,” aniya sa press.

Bale ang Para Kang Papa Mo ang big screen comeback ng blockbuster director (Maid in Malacañang) na si Darryl Yap.

Isa itong light-hearted comedy-drama tungkol sa matibay na samahan at relasyon ng mag-tatay at kung ano ang mga kaya nilang isakripisyo para sa mga mahal sa buhay.

Kasama ni Mark sa cast ang kapwa-Gwapings member nu’ng dekada ’90 na si Eric Fructuoso, pati na si Jao Mapa.

Support naman nila sina Nikko Natividad, Zeus Collins, Kid Yambao, Ruby Ruiz, Juliana Pariscova Segovia, Billy Jake Cortez, Gerard Acao, atbp.

Mula sa Viva Films, ipapalabas ang Para Kang Papa Mo sa mga sinehan sa December 13.

AUTHOR PROFILE