Piolo

Piolo, natakot sa role sa MMFF entry

December 3, 2023 Vinia Vivar 196 views

Aminado si Piolo Pascual na hindi madali ang gumanap ng tatlong karakter tulad ng papel niya sa Metro Manila Film Festival 2023 entry na Mallari kung saan ay gaganap siya bilang Fr. Juan Severino Mallari, ang first Filipino priest executed by the Spanish colonial government.

Bale ba ay napakabigat ng tema ng pelikula at mabuti na lang, after the lock-in shoot ay nagkaroon agad siya ng rehearsal para sa kanyang concert kaya nakapagbanlaw siya agad.

“It helped that I requested for a lock-in because I didn’t wanna, you know, get distracted, but at the same time, I just wanted to focus because, you know, doing three roles was a heavy task,” aniya sa grand mediacon ng Mallari.

Lagi ngang sinasabi ng direktor nilang si Derrick Cabrido na magbanlaw siya dahil nga sa bigat ng materyal.

“I had good sleep naman after every shoot and everything just, I guess, fell into place, you know. It was a fun set even if it was a heavy material. Wala namang sigawang naganap, wala namang drama, because mabait ‘yung producer namin, ang ganda ng mga equipment namin. So, we were taken care of really well,” aniya.

Pero inamin din niya na nakakatakot din habang ginagampanan niya ang role.

“Living the character was nakakatakot. Yeah, it was scary. But I didn’t have naman nightmares. But it was fun actually doing it. I really enjoyed it. Given a chance to do something like this again, I would do it in a heartbeat,” aniya.

Mallari is a partly fictional, partly true-to-life account inspired by the true story of Fr. Mallari, a parish priest in the 1800s who killed 57 people.

Siya ang first and only recorded Filipino serial killer ever antedating Jack the Ripper by more than 60 years.

Showing sa Christmas, Dec. 25, ang Mallari na produced ng Mentorque Productions at distributed ng Warner Bros. Pictures.

AUTHOR PROFILE