JC

JC, ‘di na magku-quit sa showbiz

December 3, 2023 Vinia Vivar 141 views

Inamin ni JC Santos na kapag kaeksena niya sa Piolo sa Mallari ay nakakalimutan niya ang kanyang mga linya.

Ito raw kasi ang unang pagkakataon na nakasama niya si Papa P at isa rin sa mga dahilan kung bakit niya tinanggap ang pelikula.

“He’s (Piolo) the epitomy of a walking disciplined guy. Wala akong masabi. Working with him, (sa) na-experience ko, ako from the theater, I know my lines well, but whenever I’m in front of him, I miss a lot of things,” sey ni JC sa grand mediacon ng movie.

“He’s a different guy. I mean, lahat binibigay niya sa ‘yo. He’s so generous and it works so well whatever he does. Kahit anong gawin niya sa screen. I have so much respect,” papuri pa ni JC kay Papa P.

He added, “It’s such a privilege to be working with him.”

Samantala, binawi na ng aktor ang pahayag niya last year that he’s quitting showbiz.

“I’m not quitting showbiz yet,” sey ni JC na natatawa.

Marami raw nakalinyang proyekto sa kanya sa theater at sa pelikula rin.

Ginagampanan ni JC sa Mallari ang role na isa ring pari na kaibigan ni Fr. Mallari (Piolo).

Kasama rin sa pelikula sina Janella Salvador, Gloria Diaz at marami pang iba.

AUTHOR PROFILE