Beadom

Bea at Dominic, sa Greece balak mag-honeymoon

December 3, 2023 Vinia Vivar 151 views

Sa collab video nina Ivana Alawi at Bea Alonzo sa vlog ng una ay ni-reveal nila kung ano ang biggest regret nila sa buhay.

Sey ni Bea, “’Yung beauty contest answer would be ‘well, I don’t regret because parang it made me who I am,’ blah, blah, blah, just like the general answer. But in real life, mayroon naman talaga ikaw regret, ‘di ba?”

Hirit ni Ivana, “Ako, siguro, ‘yung sa ex ko. ‘Yung minahal ko. Dapat hindi ko na lang minahal nang sobra.”

Sa relationship din ang regret ni Bea.

Aniya, “Ako, nire-regret ko na may mga relationships na pinilit ko pa to make it work.”

That’s why, umabot siya sa ganitong age na wala pang asawa.

Feeling niya kasi ay bata pa siya para mag-asawa at gusto niya na late na siya mag-start ng family.

“But I just wish mas pinakinggan ko ‘yung mama ko na ‘tama na ‘yan,’ tapos, mas maaga akong nagpamilya, ‘di ba? Kasi, hindi mo na mababalik ‘yung panahon. Eh, gusto ko pa naman, mas madaming anak. Natural, hindi na ‘yun pwede sa akin,” sey ni Bea.

Ang gusto niya dati ay six kids. Nang medyo nagkakaedad na siya, naging four na lang.

“Ang ending ngayon, baka two (kids) na lang kami,” sey pa niya.

Bea is now 36 years old at nakatakda siyang pakasal sa fiancé na si Dominic Roque next year.

Excited na si Bea knowing na magkakaroon na siya ng sariling pamilya.

“Magpa-family na kami. Ta’s iniisip ko, saan ba maganda ang honeymoon, comment down below,” sabi ni Bea.

Sey pa niya, ang gusto sana nila ni Dom na honeymoon destination ay Maldives. Pero natakot sila nang makabasa siya ng articles.

“Gusto talaga namin, Maldives. Kaya lang, nakakita kasi ako ng mga articles na may mga nakuryente na honeymooners tapos namatay sila. Hindi ako sure kung totoo o kung tama ba or fake news ‘yung nabasa ko.

“Tapos nalunod sila kasi na-electrocute sila,” kwento ni Bea.

“Parang ayoko namang matapos sa honeymoon ang love story namin ni Dom,” natatawang sabi ng aktres.

“Greece na lang,” sey pa niya.

AUTHOR PROFILE