Dantes

Taping ng ‘Family Feud’ ni Dingdong, natigil

February 6, 2023 Jun Nardo 405 views

SINORPRESA ni Marian Rivera, kasama ang mga anak na sina Zia at Sixto, ang taping ng Family Feud ng asawang si Dingdong Dantes kamakailan.

Halatang nagulat si Dong sa pagbisita ng mag-iina at agad tumakbo si Zia sa ama upang magpakarga na ang video ay inilabas ni Yan sa kanyang Facebook page.

Dinala naman ni Marian si Sixto sa podium na gamit ng contestants sa FF at pinasubok ang pagpindot ng buzzer at pagsasalita sa microphone.

Pansamantalang natigil ang taping ni Dong. Nagkaroon ng bonding time ang mag-asawa’t dalawang anak na sinamahan pa ng photo op nilang mag-anak sa mesa na nasa gitna ng set.

AUTHOR PROFILE