Toni

Willie at Toni, binanatan ng netizens!

February 6, 2023 Jun Nardo 893 views

Willie

BINANATAN muli ng netizens si Toni Gonzaga dahil sa balitang pagtigil muna ng ilang ongoing shows ng AllTV.

Ayon sa ilang netizens, wala raw nagawa ang powers ni Toni upang palakasin ang bagong network.

Saan daw napunta ang kanyang powers?

Of course, wala namang kinalaman si Toni kung matigil muna ang live o taped shows ng Villar network.

Marami pang dapat ayusin sa AllTV lalo na ang signal nito upang mas maraming maabot na probinsiya.

Eh, pati nga si Willie Revillame, nasisisi sa development na ito sa network, huh!

Kesa naman mas marami pang perang mawaldas nang walang balik na kita, mas mabuting itigil muna ang paggastos at ayusin ang dapat ayusin para lumakas ang AllTV, huh!

Business decision ang ginawa kaya walang kinalaman ang mga artistang kinuha sa network.

AUTHOR PROFILE