Taguig Pinangunahan ni Taguig Mayor Lani Cayetano ang paghuhugas ng kamay kasama ang mga mag-aaral ng daycare ng Taguig bilang pag-iwas sa mga sakit matapos mabigyan ng pagkilala ng Department of Health (DOH) Center for Health Development para sa kanilang dedikasyon sa pagbibigay ng serbisyong medikal sa nasabing lungsod. Kuha ni JON-JON C. REYES

Taguig tumanggap ng mga parangal sa DOH

October 26, 2023 Jonjon Reyes 159 views

BINIGYAN ng pagkilala ng Department of Health (DOH) Center for Health Development ang Taguig para sa dedikasyon ng lungsod sa pagbibigay ng serbisyong medikal sa mga residente nsa ginanap na DOH’s Program Implementation Review Conferences at Local Health System Recognition: 2022 LGU Health Scorecard Implementation.

Ang LGU Health Scorecard ay bahagi ng FOURmula One (F1) Plus for Health Monitoring and Evaluation (M&E) na naglalayong magtaguyod ng epektibong serbisyong medikal.

Ito rin ay nagsisilbing pangunahing kagamitan ng mga LGU sa pagsusuri at pagmo-monitor sa pagsasakatuparan ng national health targtes batay sa mga prayoridad na programa ng DOH.

Ipinagkaloob sa Taguig ang parangal na ito dahil sa kanilang kahanga-hangang pagpapatupad ng mga helath reform strategies sa lungsod, pagbibigay ng kalidad na serbisyong pangkalusugan para sa mga Taguigueno, at pagtukong sa pagkamit ng Universal Health Care sa Metro Manila.

Tinanggap nina City Health Officer Dr. Norena Osano, Executive Assistant for Health Dr. Cecille Montales, City Health Technical Officer Dr. Olivia Andaya, Universal Healthcare Program Manager Dr. Sherry Ann Juta-Bergado, Health Education Promotion Office Program Manager Dr. Abdul Jalili Sanday at Disease Surveillance Officer FHSIS Nurse Coordinator Richelle Timog ang naturang parangal.

Ang Taguig ay isa sa walong LGU sa National Capital Region (NCR) na ginawaran ng karangalang ito.

Nakatanggap din ang lungsod ng plaque of appreciation para sa malaking kontribusyon ng Taguig sa pagpapalaganap ng implementasyon ng programa at certificate of recognition para sa matagumpay na pagdodokumento at pagbabahagi ng mga mabubuting gawain sa kalusugan upang masolusyonan ang mga isyung pangkalusugan sa komunidad.

Bukod dito, isa ang lungsod sa dalawang LGU sa Pilipinas na naging bahagi ng pandaigdigang pagpupulong upang ipakita ang kanilang best practices sa National Immunization Program.

Itinanghal na Immunization Champion ang Taguig dahil sa pagpapaabot ng programa sa bawat purok ng lungsod.

Dagdag pa rito, ginawaran ang Taguig City Health Office ng iba’t ibang prestihiyosong mga parangal:

* Certificate of Recognition for its exceptional performance achieving 85% program target for Category 2 and 3 Animal Bite Cases

* Certificate of Recognition for its implementation of the National Safe Motherhood Program and Adolescent Health Development Program

* Local Government Unit (LGU) Winner for Access to Essential Medicine Category for the National Safe Motherhood Program and Adolescent Health Development Program

* Rising Star Award for Mental Health Program

* Certificate of Commendation for Disaster Risk Reduction and Management in Health

* Best in Practices and Innovations for Newborn Screening

* Best Gallery Presentation for Newborn Screening

* Best Audio Visual Presentation for the Drug Output Program

Sa ilalim ng transformative, lively, at caring city, hangad ni Mayor Lani Cayetano ang patuloy na pagbibigay ng kalidad na serbisyo at programang pangkalusugan para sa lahat ng Taguigueño.

AUTHOR PROFILE