Posas

2 kelot timbog sa baril

October 26, 2023 Edd Reyes 167 views

TIMBOG sa mga pulis ang dalawang lalaking palakad-lakad habang may dalang baril sa Navotas at Caloocan noong Miyerkules at Huwebes.

Nawala ang angas ng suspek na si alyas Charlie, ng Damata Letre, Brgy. Tonsuya nang maagaw kaagad ng mga tauhan ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang hawak niyang kalibre .9mm na pistol habang palakad-lakad sa kanilang lugar Huwebes dakong ala-1:00 ng madaling araw.

Nauna rito, natiklo ng mga tauhan ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang 18-anyos na si alyas Ehrold habang paikot-ikot na naglalakad sa kanilang lugar sa Block-51 Dagat-Dagatan Avenue, Barangay-8, dakong alas-10:15 ng gabi ng Miyerkules habang iwinawasiwas ang kalibre .38 revolver na may limang bala.

Pinuri ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas ang mga tauhan ng Caloocan at Malabon police sa mabilis na pagkakadakip sa mga suspek.

Isinailalim na sa background investigation ang dalawang nahuli para malaman kung may iba pang nakabimbing kasong kinakaharap.

AUTHOR PROFILE