Tagamasid si pulitika kinantyawan si Gordon
BINATIKOS ng mga tagamasid sa pulitika si Senator Richard Gordon dahil sa isang kumakalat na lirato na nagpapakita ng kanyang umano’y pakikipagkamay at pakikipagngitian sa isang high profile inmate na pasimuno umano ng illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP).
Kinantyawan ng mga kritiko si Gordon na kilalang mabagsik at estrikto kapag may isinasagawang imbestigasyon ang kanyang blue ribbon committee sa Senado.
Ang larawan ay sinasabing kuha noon pang 2013 sa loob ng NBP– ang panahong kainitan at katalamakan ng droga sa pambansang piitan na ang pasimuno ay si Jaybee Sebastian.
Si Sebastian din ang nakitang kakamayan at kangitian ni Gordon sa litrato.
Naging “paboritong pasyalan” ng ilang government officials noon ang Bilbid Prison.
Si Senator Leila de Lima, dating kalihim ng Department of Justice (DOJ), ay nasiwalat na nakinabang umano sa pera mula sa umiikot na droga sa NBP at siyang ginamit niya sa pagtakbong senador.
Dahil dito ay naipakulong siya ng pamahalaan at hanggang sa kasalukuyan ay nililitis ng hukuman sa kasong drug trafficking.
Kaya nang kumalat ang litrato nina Gordon at Sebastian sa social media ay marami ang nagtanong.
Sinabi ng mga kritiko at tagamasid sa pulitika na dapat ay imbestigahan din ngayon ng Senate blue ribbon committee kung ano ang ibig sabihin ng pagbisita ni Gordon kay Sebastian.
Si Sebastian ay napasok sa NBP o mas kilala sa tawag na Munti noong 2009 matapos mahatulan sa kasong kidnapping at carjacking.
Hindi nagtagal, siya ay naging lider ng isang notoryus na gang sa Bilibid na kinatakutan, hindi lang ng mga kapwa preso, kundi maging ng mga opisyal at tauhan ng Bureau of Correction dahil sa kanyang malakas na impluwensiya sa mga pulitiko at opisyal ng gobyerno.
Inamin mismo ni Sebastian sa imbestigasyon ng Kongreso na naghahatag siya ng pera sa mga pulitiko at opisyal ng gobyerno noon para proteksyonan ang kanyang illegal drug trade.
Bukod kay Sebastian, may ilan pang Bilibid drug lord na nagbibigay din ng pondo para sa kampanya ng mga pulitiko.
Noong 2020, natagpuang patay si Sebastian at ang sinasabing dahilan ay COVID-19.