BBM1 Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

PBBM SALUDO SA MGA PINOY

April 27, 2024 Chona Yu 110 views
BBM2
VICTORY OF MACTAN – Kasama ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sina Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at Special Assistant to the President Secretary Antonio “Anton” Lagdameo sa 503rd Commemoration of the Victory of Mactan umaga ng Sabado sa Liberty Shrine, Mactan, Lapu-Lapu City, Cebu.
Kuha ni VER NOVENO

SALUDO si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kabayanihan ng mga Pilipino dahil sa patuloy na pagigiit sa karapatan at soberanya ng bansa at pagtataguyod sa international law at order.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa 503rd Commemoration of the Victory of Mactan sa Liberty Shrine sa Barangay Mactan, Lapu-Lapu City, sinabi nito na buhay ang kabayanihan hindi lamang sa mga Cebuano kundi sa lahat ng mga Pilipino.

“Ito ay nakikita sa pagmamahal natin sa ating kapwa, pag-aaruga sa mga napinsala, pagtulong sa mga nagdarahop, at pagtanggol sa mga inaapi,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Ito ay nakikita sa matapang nating paggiit sa ating karapatan at sa pagtanggol kung ano ang atin ayon sa ilalim ng batas, sang-ayon sa pandaigdigang kaayusan, at sa mata ng ating Diyos,” dagdag ni Pangulong Marcos.

Mataas ang tensyon ngayon sa West Philippine Sea dahil sa pagiging agresibo ng China.

AUTHOR PROFILE