Suspek SUSPEK–Ang mga natimbog na suspek kaugnay sa natagpuang babaeng nakabalot sa kahon sa Tondo, Manila. Kuha ni Jon Jon Reyes

Suspek sa pagpatay ng bebot sa box nasilo

April 9, 2024 Jonjon Reyes 93 views

NATIMBOG na ng mga operatiba ng Manila Police District ang mga suspek sa pagpatay sa babae na natagpuan ang bangkay sa loob ng kahon matapos na magsagawa ng back tracking ang mga kapulisan mula sa kahabaan ng Maswerte St,.Brgy 109 Tondo Manila.sabado ng Gabi,.,

Sa pamumuno ni Police Major Rommel Anicete, chief ng CIS-MPD, at Police Capt. Dennis Turla, nahuli ang mga suspek matapos magsagawa ng back tracking sa Maswerte St., Brgy. 109, Tondo, Manila.

Ayon kay MPD Chief P/BGen. Arnold Thomas Ibay unang naaresto ng mga otoridad ang rider na si alyas Mel na umano’y nagtapon sa nasabing kahon na may lamang katawan ng tao.

Kasunod na nahuli ang prime suspek at isa pang kasama sa utak sa pagpatay na nakilalang si alyas Janene.

Sinabi umano ng rider na tinawagan siya ng pangalawang suspek para itapon ang kahon sa nasabing lugar.

Ayon kay Police Major Philipp Ines, chief ng PIO Ng MPD, patuloy ang follow-up operation at investigation ng mga kapulisan dahil may mga iba pang suspek ang dapat managot sa krimen.

AUTHOR PROFILE